Questions


April 2021 2 62 Report
Gawain 5
Basahin at unawain ang kuwento. Sumulat ng malikhaing wakas para sa teksto.
Ang Mahiwagang Pintuan
Sheila Micah Yao
ng araw
Sa isang lumang tahanan ng mga Diaz, mayroong isang maliit na pintuan sa hardin.
Sinasabing ito'y pintuan patungo sa mga kakaibang mundong mahirap paniwalaan.
Pagbukas mo pa lamang sa pintuan, maaaninag mo na ang sobrang liwanag na sikat ng
araw, makakakita ka rin ng isang dagat na kulay bughaw at berde, na kung tamaan ng sikat
ay tila kumikinang. Mga bulaklak na naggagandahan, may iba't ibang kulay na animo'y kulay na
hinango mula sa bahaghari at ang mga ito'y mabango- sa sobrang bango ay maaaring makalunas
ng pusong
nalulumbay.
Pagtapak mo sa mga buhangin sa tabing-dagat, animo'y ika'y nasa mga ulap sa sobrang
lambot ng mga ito sa balat. Sumasayaw ang mga dahon sa saliw ng tugtog ng hangin na tila'y
dinuduyan ka sa sobrang payapa ng paligid.
Ang pananatili sa loob ng pintuang iyon ay kritikal, labindalawang oras at ika'y hindi na
makakalabas. Nasa iyo kung pipihitin mo ang hawakan ng pintuan palabas o ipipihit mo ang susian
upang kailanma'y di na makalabas.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.