Gawain 4
Basahin ang kuwento tungkol kay Apolinario Mabini noong siya ay bata pa Itala sa loob ng
graphic organizer na nasa ibaba ang mga salitang naglalarawan sa kanya,
Ang Batang si Pule
Mahirap ang mga magulang ni Apolinario Mabini kaya hindi nila kayang papag-aralin
sa Maynila ang anak nila. Matalino pa naman si Pule, ang palayaw nila kay Apolinario
Mabini.
Ngunit sadyang nais ni Pule na matuto. Pumasok siyang utusan sa isang mayaman sa
Maynila. Naglingkod din siya bilang isang klerk upang makapagpatuloy sa pag-aaral.
Dahil sa mga gawaing-bahay, malimit siyang mahuli sa klase. Maaga siyang
gumugising sapagkat nagluluto pa siya ng almusal, naghahain, at nagliligpit ng pinagkainan
ng kanyang pinaglilingkuran.
Walang pambili si Pule ng aklat kaya nakikibasa na lang siya. Kinokopya niya sa
aklat ang mahahalagang bagay na dapat pag-aralan nang masinsinan.
Gayumpaman, palaging matataas ang marka ni Pule. Kaya hinahangaan siya ng
kaniyang mga guro at kamag-aral.
Ilarawan si
PULE
Answers & Comments
Answer:
Si Pule ay masipag mag aral kaya siya matalino ,siya ay matulungin din at matyaga nyang binabasa ang mga aklat upang siya ay matuto at siya ay isang mabait at masipag na anak sa kanyang mga magulang
Explanation:
sana po makatulong