Gawain 4- Tukuyin Mo Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel. A. Equivocation B. Jocose lie C. Lihim D. Officious lie E. Pag-iwas F. Pagtitimping Pandiwa G. Pananahimik H. Pernicious lie I. Plagiarism J. Whistleblowing 1. Pagkukuwento ng isang dalaga sa kaniyang nakababatang kapatid tungkol kay Santa Klaus na nagbibigay ng regalo tuwing Disyembre. 2. Isang mag-aaral ang lumiban sa klase nang nakaraang araw. Ayon sa kaniya, pumunta siya sa kanilang family reunion. Ang totoo ay sumama siya sa kanyang mga kaibigan para mamasyal. 3. Pagkakalat ng maling bintang na ninakaw ang kanyang wallet. Ang totoo ay nais lamang niyang makakuha ng atensiyon mula sa kaniyang kaklase. yorul 4. Pagkopya ng bahagi ng isang nailathalang artikulo na hindi binigyan ng sapat na pagkilala ang pinagkunang sanggunian. 5. Hindi pa rin nagsalita si Acer kahit anong pilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang kaniyang ama. 6. Sinabi ni Randy sa kaniyang magulang na may seminar siyang pupuntahan ngunit ang totoo ay mamasyal sila sa isang hindi pa gaanong sikat na pasyalan. 7. Hindi tuwirang sinagot ni Zeigler si Aire nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay Lzle. Sinagot niya ito nang hindi buo na magdadala kay Aire na mag-isip nang malalim. 8. Iniiba ni Axle ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa kaniyang ama na matagal na nawala at hindi niya nakasama. 9. Pagtatago ng isang ina ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag at naisisiwalat. 10. Paglantad ng isang empleyado laban sa kanyang pinaglilingkurang amo dahil sa hindi patas o pantay na pamamalakad at korapsiyon.​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.