Gawain 4 Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang sumusunod na katanungan. "Tunay na Pagmamahal" Ni: Shierlyn Joy S. Llacuna Ang tunay na pagmamahal ay hindi maramot, Bukas Palad sa pagtulong ay iniaabot; Malaki o kakarampot; Di basehan ang halaga kundi ang sayang dulot. Estranghero man ang iilan, Gayak ay payak o matingkad man; Hindi mahalaga dahil walang antas ang pagmamahal sa kapwa; Ito'y pagsunod sa kaloob ng Amang lumikha. Lahat ay may kakayahang magmahal at magbigay, Mayaman o mahirap man sa buhay; Nawa'y isaisip ang mga kababayang naghihikahos; Oportunidad ang kailangan at hindi limos. Pandemya na ating kinakaharap, Dahilan kung bakit ang iba'y lalong naghihirap; Sama-sama tayong bumangon; Tulungan ang ating kapwa na makaahon.
Answers & Comments
Explanation:
Ano po Di ko po gets
Answer Di ko kase gets