Gawain 4
Mahalaga ang pakikilahok ng mga miyembro ng komunidad para sa pangangalaga
ng mga likas na yaman. Bilang kabataan, maraming hakbang na maaaring gawin at
lahukan gaya ng sumusunod:
● Tamang pagtatapon ng nabubulol at di nabubulok na basura.
● Pag-iwas sa paglikha ng basura, lalo na ang paggamit at pagtatapon ng
mga plastic.
● Pagpapahalaga sa tubig at pagkain, sa pamamagitan ng hindi pag-
aaksaya.
● Pagkokompost ng mga balat ng prutas at gulay at iba pang nabubulok.
● Pagsahod ng tubig-ulan upang magamit na pandilig sa halaman,
pambuhos o panlinis ng bahay at sasakyan.
● Pagsasagawa ng 3R’s o Reduce, Reuse Recycle.
● Pagtatanim at pagpapalago ng mga puno sa bakuran.
● Pagsasagaw ng urban gardening.
● Paglalakad, pagbibisekleta, o paggamit ng pampublikong sasakyan kaysa
pibado, upang makabawas polusyon.
● Pagsuporta sa renewable energy bilang alternatibong mapagkukunan ng
enerhiya.
● Hindi pagtatapon ng basura kung saan-saan, lalo na kung naglalakbay o
pumupunta sa mga pook pi ng kasyalan.
● Pakikinig sa mga tagapagsalita, panonood ng video, at pagbabahagi ng
kaalaman tungkol sa pangangalaga ng likas na yaman.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Anong isyung pangkapaligiran ang lubhang nakababahala sa para sa iyo?
2. Paano dapat tumugon ang pamahalaan sa suliraning ito?
3. Paano makatutulong ang kabataang tulad mo sa pangangalaga sa
kapaligiran?
Answers & Comments
Answer:
1.mga nabubulok na basurang hindi itinatapon
2.tumulong sila sa mga aktibidad tulad ng paglilinis ng mga basura sa estero o kahit saang lugar na mayroong basura
3.tutulong ako kahit sa paglilinis lamang ng aming bakuran o tapat ng aming tinitirahan
Explanation:
hope it helps and correct me if im wrong im just learning din po