GAWAIN 4. Basahin, Suriin, Paghambingin!
Sa bahaging Suriin ng kabanatang ito ay tinalakay natin ang iba’t ibang elemento ng
tula maging ang mga uri at kayarian nito. Bilang pagpapalalim ay magsagawa ka ng
isang masusing paghahambing ng mga tulang “Magbalik” at ng “Bawal Lumabas”
Basahin ang mga piling saknong ng mga tulang ito at pagkatapos ay suriin ito batay
sa hinihingi ng talahanayan na makikita sa susunod na pahina
Magbalik
Cristian V. Talon
Aking Bathala dalangin ko’y pakinggan Mo
Dagain man ang dibdib ko, tanggap ko ang hatid
Mong progreso
Itinanim kong galit, sa puso ko’y pawiin Mo
Kaibuturan ko’y dalisayin Mo, muling gawing
tahanan Mo
Nang maging tuwid at karapat-dapat sa
kaluwalhatian Mo
Sa pagpapatawad Mo, ako ay nasasabik
Kailan kaya pag-ibig Mo, tuluyang
manunumbalik?
O Kupido! Halika’t si Bathala’y panain mo ng
milyon kong mga halik
Iparating sa Kanya ang pagsusumamo at nasa
kong pagbabalik
Huling baraha ko ay ibalik, dating ugnayan –
Ika’y muling maging sanggang-dikit
Kung magkagayon, ang tuwa at galak ko’y abot
hanggang langit
Bawal Lumabas
Jenny Lyn S. Uy
Kamay na bakal nga ba ang pinaiiral ng ating Pangulo?
Nagtataingang kawali nga ba siya sa ating mga
reklamo?
Bakit ang mga alog ang baba at murang edad na tulad
mo,
Hindi puwedeng lumabas at makisalamuha sa ibang
tao?
Kung puwede nga lang sana’y maglaho na parang bula
ang pandemya,
Nang ang takot at pangambang taglay nating lahat ay
mapawi na
Subalit sa ngayon, tayo ay makinig at sumunod na
muna
Wag matigas ang ulo, pagkat sa labas, panganib ay
nakaamba
Ating i-krus sa noo, wala namang masama kung mag-
iingat,
Ito’y para rin sa kapakanan mo, nang hindi ka
mapahamak
Ang dapat mong gawin ay manalangin at habaan pa ang
pisi,
Dahil wala sa simula, kundi nasa huli ang pagsisisi
Answers & Comments
Answer:
ay
nakaamba
Ating i-krus sa noo, wala namang masama kung mag-
iingat,
Ito’y para rin sa kapakanan mo, nang hindi ka
mapahamak
Ang dapat mong gawin ay manalangin at habaan pa ang
pisi,
Dahil wala sa simula, kundi nasa huli ang pagsisisi