Questions


January 2022 1 0 Report
Gawain 4
A. Sagutin ang mga sumusunod.
1. Habang nagkakaroon ng pagsusulit tahimik na nag-iisip si Rona nang biglang kinalabit siya ni Shirley at pabulong na sinabi “pakopyahin mo naman ako sa mga sagot mo". "Ayaw ko baka mahuli tayo ni teacher, mapagalitan tayo"sagot ni Rona. “Sige na, hindi ko lang alam ang mga sagot." Paglabas ng klase, hindi na binati ni Shirley si Rona.
2. Naglilinis ang magkakalase sa loob ng silid-aralan. Hindi naglilinis si Nick na kaibigan ni Ruel. Bilang lider ng grupo, sinumbong ni Ruel sa guro ang kanyang kaibigan. Kinabukasan, hindi na kiniboNick si Ruel.
3. Dumating si tatay na may dalang laruan. Sinalubong siya ng dalawa niyang anak. Subalit napansin ni Cassy na may sira ang laruang napunta a kanya. Kinuha niyang bigla ang laruan ng kanyang kapatid at ipinalit dito ang sa kanya. Nagalit ang kapatid at hinampas siya. Gumanti siya at naghampasan silang dalawa.


B. Paano mo lulutasin ang isang sigalot? Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. Nagalit si Aramina sa mga kaibigan dahil sa biglang pagbabago ng plano ng mga ito sa kanilang lakad nang hindi siya pinagsasabihan. Dumating siya sa pook na paghihintayan ngunit wala na ang mga ito.
2. Pinagalitan si Rico ng kanyang mga magulang dahil sa kanyang pagsisinungaling. Umalis siya at nagtungo sa mga kaibigan at nag-iisip na huwag nang umuwi ng bahay.
3. Nagalit ang guro ni Dolly sa kanya spagkat madalas siyang lumiban sa klase. Nagalit din si Dolly sa guro dahil pinahiya siya sa klase. Hindi na siya pumasok nang araw na iyon.4. May takdang aralin kang dapat ibigay nang araw na iyon. Nang papasok ka na ay sinabihan ka ng iyong nanay na huwag munang pumasok dahil masama ang kanyang pakiramdam at hindi siya gaanong makakilos. Nagtampo ka sa nanay mo bagamat sinusunod mo pa rin ang kanyang utos.
5. Nakapatong ang cell phone ng ate ni Betty sa ibabaw ng mesa nang bigla itong tumunog. Dali-daling tumayo si Betty at binuksan ang cell phone para malaman kung sino ang nag-text. Nakita siya ng kanyang ate na binabasa ang mensahe sa cell phone. Nagalit si ate at hindi binati si Betty hanggang sa hapag- kainan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.