Questions


February 2022 1 0 Report
Gawain 3
Basahin ang tula.


KABATAAN, MAKILAHOK
Tula ni: Evelyn M. Ausan


Kaysarap pagmasdan, ating kapaligiran
Likas na yaman, sagana sa kabundukan,
Mga parang at kapatagan, hitik sa halamanan
Kay sayang mamasyal, kasamang mga kabataan.

Mga puno'y pinutol nang wala sa panahon
Bundok gumuho, putik ay tumapon,
Sa mga tahanan, maging buong nayon
Walang humpay na sinalanta, lahat ay nabaon.

Mga proyektong, reforestation ikaw ay makilahok
Pansibikong Gawain diyan sa iyong purok,
Kusang sumama, serbisyo'y ialok sipag at tiyaga panahon mo'y ihandog.

Laging isaisip makilahok sa samahan
Upang ang sakuna'y tiyak maiiwasan,
Buong pusong tumulong sa kapakanan ng bayan
Sama-samang kamtan hangad nating kasaganaan.


Balikan muli ang tula at pagnilayan ito.
Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong.


1. Ano- ano ang mga pangyayaring katulad ng binanggit sa ikalawang saknong ng tula
ang naalala mo?

2. Sa pangatlong saknong, ano ang magiging tungkulin natin dito?

3. Paano ka makikilahok sa mga proyekto?

4. Ano ang kailangan para magampanan mong kusa ang iyong tungkulin?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.