Gawain 3.3 Damdamin Mo, Ibahagi Mo
Panuto: Ibahagi mo ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa damdamin ng bawat tauhan sa piling eksena sa nakaraang gawain. Ilahad ito sa simple, maigsi at tiyak na pangungusap upang madali rin itong maunawaan.
Tanong: Ano ang iyong naramdaman sa mga damdamin ng tauhan na inilahad sa bawat pangyayari? Sabihin kung ikaw ay naawa, nagalit, natuwa, nalungkot, namangha at iba pang uri ng damdaming maaari mong maramdaman.Bigyang-katwiran ito.
1. Matinding pagtitiis sa hapdi ng patak na kalamansi ang binalikat ni Juan para hindi antukin at mahuli ang ibon.
Nakaramdam ako ng_______________ dahil _____________________________________________
2. Himutok na lang ang nagawa ni Don Juan sa pagtataksil sa kanya ng dalawang kapatid.Inisip niyang hindi naman kailangang magkasakitan sila.Ibibigay niya naman ang ibon kung iyon ang kanilang kailangan.
Ako ay__________________ dahil______________________________________________________
3. Labis ang inggit ni Don Pedro sa karangalang matatamo ni Don Juan sa pagkahuli sa ibon kaya ipinahamak niya ito at inagaw ang karangalan nito.
_______________ ako dahil __________________________________________
4. Mahal ni Don Diego ang kapatid ngunit natakot siyang baka pati siya ay ipahamak ni Don Pedro kung siya ay tatanggi sa balak nito sa bunsong kapatid.
_____________ dahil __________________________________________
5. Nagkasakit nang lubha si Haring Fernando dahil sa labis na pag-aalala kay Don Juan na napahamak sa kanyang panaginip.
Ako ay _______________ dahil ___________________________________________
6. Labis na nahiwagaan si Don Juan na pagkatapos niyang limusan ang matanda, siya naman ang nakatanggap ng alay sa isang ermitanyo.
Ako ay ____________ dahil ____________________________________________
7. Dahil likas na maawain, jbinigay ni Don Juan ang kanyang natitirang isang tinapay sa matandang ketongin kahit alam niyang malayo ang kanyang lalakbayin.
Ako ay ___________ dahil _____________________________________________
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
1.) Nakakagulat dahil kahit anong paraan para mapagaling niya ang kanyang mahal na ama gagawin niya kahit pa buhay niya ang kapalit.
2.) Ako ay naawa sa kanya dahil pinagtaksilan siya ng kanyang mga kapatid.
3.) Nagalit ako dahil kay Don Pedro hindi niya naman kailangang mainggit.
4.) Nakakahabag dahil pati ang isa niyang kapatid ay sinasama niya sa kanyang mga masasamang balak.
5.) Ako ay nalungkot dahil nagkasakit si Haring fernando dahil sa labis na pag-aalala kay Don Juan
6.) Ako ay natuwa dahil bumalik din sa kanya ang ginawa niyang mabuti sa ermitanyo.
7.) Ako ay nagagalak dahil si Don Juan ay may likas na kabaitan.
Explanation:
Okay na po ba yan?