Gawain 3: Tula Ko, Interpretasyon Mo!
Panuto: Unawain at suriin kung anong uri ng pakikipagkaibigan ang inilarawan sa tula pagkatapos ilahad ang sariling interpretasyon sa piling saknong na nakapaloob sa talahayanan.

Pakikipagkaibigan
Ni: Megie M. Lillo

Sa dinami-rami ng tao sa mundo
Mahirap makahanap ng kaibigang totoo
Saan mang sulok ng mundo
Tiyak makakahanap din ng katoto

May taong akala mong kaibigang tunay
‘Yun pala masama ang pakay
Kaibigan ka kung ika’y maasahan
Iiwan ka kung hindi na pakikinabangan

Humanap ng kaibigang may mabuting kalooban
Magiging sandalan sa anumang pagdadaanan
Handang tumulong at ika’y aalalayan
Hanggang problema’y masolusyunan

May hindi man pagkakaintindihan
Pagrespeto ay kailangan
Sakaling may pagkakamali sa isa’t isa
Pagsisisi’t pagpapatawad ay ipakita

Ang ugali man ay magkaiba
Komportable at tanggap ang isa’t isa
Parang kapatid na ang turingan
Tunay na kaibigan magpakailan pa man.



Sipi mula sa tula


1.May taong akala mong kaibigang tunay ‘Yun pala masama ang pakay
Kaibigan ka kung ika’y maasahan
Iiwan ka kung hindi na pakikinabangan

Sariling interpretasyon:

2.Ang ugali man ay magkaiba Komportable at tanggap ang isa’t isa
Parang kapatid na ang turingan
Nag-iisang kaibigan magpakailan pa man.

Sariling interpretasyon:

3.Humanap ng kaibigang may mabuting kalooban Magiging sandalan sa anumang pagdadaanan
Handang tutulong at ika’y aalalayan
Hanggang problema’y masolusyunan

Sariling interpretasyon:

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.