GAWAIN 3: Sitwasyon-Suri
Panuto: Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng ibat-ibang
mabibigat na suliranin. Isulat ang mga solusyon na iyong naisip at ang
kaakibat na pananagutan sa bawat solusyon na iyong nais
Sitwasyon 1
Mula ng magpunta ng Maynila, ayaw na ni Robert na bumalik ng probinsiya
Bukod sa walang kuryente sa kanilang baryo, halos walong kilometro ang kanilang
nilalakad upang makasakay ng bus palabas na kanilang lugar dahil ito ay
bulubundukin. Ngunit isang araw, nakatanggap siya ng sulat mula sa ina, kailangan
niyang umuwi upang siya ang mamahala sa kanilang taniman ng gulay. May sakit
ang kaniyang ama at ito ay hindi na makalakad
Tanong
Kung ikaw si Robert, ano ang iyong gagawin? Ano ang iyong pananagutan?
on 2
Answers & Comments
Answer:
Kung ako si Robert mas pipiliin kong umuwi at makasama ang mga mahal ko sa buhay dahil kahit gaano karangya o kaganda ang buhay niya sa maynila mas maganda parin na umuwi siya at mamahala sa kanilang taniman dahil itoy kanyang obligasyon bilang anak na tumulong sa kanyang mga magulang dahil mas masaya ang makasama at makatulong sa pamilya kaysa unahin ang pansariling saya.