Questions


September 2022 1 2 Report
Gawain 3 - Quarter 4
Basahin ang anekdota sa ibaba
Hindi makalimutan ni Mark ang tinig ng ina nito sa telepono. “Bakit anak, bakit? Lahat ng pagsisikap ginagawa ko ay para sa iyo. Anong nangyari? Akala ko maayos ang lahat. Akala ko darating ako sa Marso para mapanood ang pagmamartsa mo sa araw ng pagtatapos mo sa haiskul...kami ng tatay mo...”

Hindi na nito natapos pa ang sasabihin. Alam ni Mark na umiiyak ito sa kabilang linya. Hindi na rin niya nakayanang marinig pa ang ibang sasabihin ng ina kaya’t ibinaba na nito ang telepono.
Maayos nga ba ang lahat? Noon, noong narito pa sina Nanay at malakas pa si Tatay. Noon wala siyang pakialam anoman ang sabihin ng ibang mga kamag-aral. Madalas man siyang tuksuhin ng mga ito. Pagtawanan hindi nya ito kailangang pansinin. Nagsisikap sya sa pag-aaral para sa kanyang pamilya. Siya ang panganay kaya kailangan niyang makatapos para makatulong sa Nanay at Tatay. Mahirap lang ang buhay nila. Madalas pumapasok siya na wala ni singko sa bulsa. Pinagtatawanan nila ang sapatos niyang may butas sa talampakan gayon din ang uniporme niyang puno na ng sulsi at medyo maiksi na para sa kanya. Hindi sila makabili ng bago. Pero wala sa kanya iyon. Ang mahalaga’y nakakapag-aral siya. Iyon ang laging sinasabi sa kanya ng kanyang nanay.
Ngunit nang magkasakit ang kanyang ama kinailangan nang kanyang ina ang magpunta sa ibang bansa para maghanapbuhay. Katulong sa Hongkong ang nanay niya. Mabait daw ang naging amo nito. Ilang taon na rin ang lumipas. Iba na ang lahat. May bagong telebisyon, radyo, computer. Bago palagi ang uniporme ni Mark. Marami siyang pera sa bulsa. May bank account pa nga siya. Sa kanya ipinangalan ng nanay niya ang bank account para sa remittance nito. “Responsableng bata si Mark, kaya niyang pamahalaan ang mga pangangailangan ng ama at ng kapatid.” Sabi ng nanay niya sa tiyahin niya. Noon siguro yon.
“Mapilit kasi ang barkada ko tatay eh. Pwede ba kong maghanda sa birthday ko. At saka pwede ba kong bumili ng beer. Konti lang naman, konting kasayahan lang.” Ayaw sana ni Tatay, kaya lang sabi ni Nanay, hayaan na, minsan lang naman. Tutal malapit ng magdisisiyete si Mark. Ang hindi alam ng nanay nya, madalas ang inuman ng barkada. Nakakahiya kasi. Alam naman nilang may pera si Mark. Wala raw siyang pakikisama, yan ang lagi nilang sinasabi kapag tumatanggi si Mark. Natatakot si Mark na mawala ang barkada. Dati-rati kasi iniiwasan siya ng mga ito. Ngayon sikat na rin siya, mula nang tanggapin siya ng barkadahan. Maraming mga kaklaseng babae nila ay humahanga kay Mark. Masarap pala ang pakiramdam ng napapansin ka, hinahangaan. Masarap ang maraming kaibigan. Masaya ang kilala ka nang halos lahat ng mga mag-aaral sa paaralan.
Masyado kasing napadalas ang gimik ng barkada. Ayon bagsak tuloy si Mark sa tatlong subject. Hindi siya gagraduate. “Okey lang yan pare, kami rin naman hindi mamartsa eh” ni Bok ang lider ng kanilang grupo. “Ayaw mo nun matagal pa tayong magkakasama. Tuloy ang ligaya.”
Dapat nga bang ikasiya iyon. Wari’y kinukurot ang kanyang puso tuwing maaalala ang tinig ng ina. Minamasdan niya ang sarili sa salamin. Siya nga ba talaga ang repleksyon sa salamin. Hindi pa huli ang lahat, wika nya sa sarili.

Sagutin:
1. Anu-anoangmgamahahalagangpagpapasyanaginawanginaniMark kaugnay ng kanilang pamilya? Tama ba ang kanyang naging mga pasya? Ipaliwanag.
2. Ano-anong mga pagpapasya ang ginawa ni Mark para sa kanyang sarili? Mabuti ba ang kinahinatnan ng kanyang mga naging pagpapasya? Pangatwiranan.
3. Ano ang ibinunga ng mga maling pagpapasya ng ina ni Mark? Pangatwiranan. p
4. Ano ang ibinunga ng mga naging pagpapasya ni Mark? Pangatwiranan.


Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.