Gawain 3 Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot nang padayalogo gamit ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Kaarawan ng iyong matalik na kaibigan at inimbitahan ka niyang pumunta sa kanilang bahay para sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Gustong-gusto mong pumunta dahil alam mong masisiyahan siya kapag nagkita kayo. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga magulang gayong nakataas ang ECQ sa inyong lugar?
Sagot:
2. Nahihirapan kang sagutan ang ilang gawain sa asignaturang Matematika Wala kang kasama sa bahay na makatutulong sa iyo sa pagsagot nito. Nakita mong nakasulat ang numero ng iyong guro sa sagutang papel na nakalakip sa modyul pati na rin ang messenger account niya. Gusto mong tawagan siya at ilahad sa kaniya ang iyong problema. Paano mo ito sasabihin sa kaniya?
Sagot:
Answers & Comments
Answer:
1. Hindi nalang ako pupunta dahil baka mahawa lng ako ng sakit at maka hawa din ako sa kanila. Ipapaliwanag ko nalang ng maayos sa aking kaibigan ang dahilan kung bakit hindi ako makakapunta.
2. Babatiin ko muna ng maayos ang aking guro at magalang na sasabihin ko ang aking problema.