Gawain 3 : Pangunahing Ideya, Tukuyin mo! Panuto: Mamili ng isa sa mga diyalogo sa binasang mitolohiya na nagpakita ng paguusap ng dalawang tauhan. Basahin mo ito nang malakas o kaya ay humingi ng tulong sa magulang o kapatid upang basahin ang usapan. Batay sa iyong napakinggan, sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. 1. Sino ang tagapagdala sa napiling diyalogo? 2. Sino ang tagatanggap ng mensahe? 3. Ano ang sitwasyon sa usapan ng dalawang tauhan? 4. Ano ang mensahe ng usapan ng dalawang tauhan? Ipaliwanag ang kasagutan