GAWAIN 3: Pagtataya.

A. Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng bawat tanong o pahayag. Isulat ang
sagot sa nakalaang linya.


1. Tinutukoy nito ang diretsahan na paghahanay ng mga datos at ginagamitan ng
kombensiyonal o kabuuang pamatnubay.

a. tuwirang balita
b. balitang lathalain
c. balitang pang-agham
d. isports balita


2. Ano ang tawag sa una at ikalawang talata ng isang balita?

a. headline
b. pamatnubay
c. ulo ng balita
d. walang sagot


3. Ito ang pamatnubay na hindi masyadong gamitin sapagkat ginagamit lamang ito kung
mas mahalaga ang petsa kaysa sa iba pang aspeto.

a. pamatnubay na ano
b. pamatnubayna saan
c. pamatnubay na kailan
d. pamatnubay na paano


4. Alin sa mga sumusunod na pamatnubay ang ginagamit kung ang itinatampok ay ang
pangyayari?

a. pamatnubay na paano
b. pamatnubayna saan
c. pamatnubay na kailan
d. pamatnubay na ano


5. Anong datos ang iyong hahanapin kung ang dahilan ang gusto mong itampok sa balita?

a. Hanggang Abril 18 na lamang ang palugit na ibinigay ng BIR para sa pagbabayad ng buwis
b. Upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa lindol, isinagawa ang Earthquake Drill
sa gymnasium.
c. Ginanap sa Tuguegarao City ang National School Press Conference 2019 na dinaluhan ng mga
manunulat mula sa iba't ibang rehiyon.
d. Itinanghal na panlimang pwesto ang Multi-purpose Hand-truck ng Camalogians sa Science
Innovation Expo sa National Science and Technology Fair 2019 na idinaos sa Tagaytay City.


6. Alin sa mga sumusunod na datos ang kukunin mo kung pamatnubay na saan ang iyong
gagamitin?

a. Hanggang Abril 18 na lamang ang palugit na ibinigay ng BIR para sa pagbabayad ng buwis
b. Upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa lindol,isinagawa ang Earthquake Drill
sa gymnasium.
c. Ginanap sa Tuguegarao City ang National School Press Conference 2019 na dinaluhan ng mga
manunulat mula sa iba't ibang rehiyon.
d. Itinanghal na panlimang pwesto ang Multi-purpose Hand-truck ng Camalogians sa Science
Innovation Expo sa National Science and Technology Fair 2019 na idinaos sa Tagaytay City.


7. "Pinutakte magdamag si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng mga mensaheng
kumokondena sa desisyon niyang buwagin ang 1989 accord sa pagitan ng University of the
Philippinies at Department of National Defense". Anong pamatnubay ang ginamit ng manunulat?

a. pamatnubay na sino
b. pamatnubay na bakit
c. pamatnubay na ano
d. pamatnubay na paano


8. Ano ang uunahing itampok sa lahat ng datos kung parehong magkatimbang ang
dalawang datos?

a. unang itampok ang saan dahil mas mahalaga ang lugar
b. unang itampok ang sino dahil mas mahalaga ang tao kaysa ano pa man.
c. isulat muna ang dahilan ng mga pangyayari para maliwanagan agad ang mambabasa
d. pagsabayin na lang na isulat ang parehong magkatimbang sa isang pangungusap.


9. Ito ang pamagat ng isang balita na nagtataglay ng malaking titik kaysa sa teksto.

a. ulo ng balita
b. pamatnubay
c. byline
d. pamagat


Pakisagot po please ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.