Questions


October 2022 1 3 Report
Gawain 2
PANUTO:Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Pista sa Aming Bayan

Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan. Maraming tao ang nagsimba. Masigla at masaya ang kalembang ng kampana sa simbahan. Hindi magkamayaw
sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tagarito, mga balikbayan, at mga panauhin
mula sa ibang bayan
Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga lansangan habang
nagbibigay ng masiglang tugtugin Umaambag rin sa sigla at saya ang malakas na bunghalit ng
mga tugtugin sa mga perya at pandahan at maging sa mga tahanan man
Nagpapagaraan sa ganda ang mga ako sa mga panutukan ng mga kalye. May mga
arkong kawayan na may makukulay na ginupit gupit na papet. Ang mga banderitas na may
iba't ibang kulay ay nakagayak sa mga hayag na lansangan at maging sa maliit na kalye man
Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga nagilitson doon at dine.
Malalaking talyasi ng pagkain ang nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga bakuran Mula
tanghalan hanggang hapunan ay pagsasalu-saluhan ang mga inihandang pagkain ng mga
magkakamag-anak, magkakaibigan, at mga panauhin. Kainang hindi matapus-tapos. Ganyan
ang pista Nakalulungkot tuloy isipin na ang pista ay tila kainan na lamang at nawawala na ang
diwang ispiritwal ng okasyon
E. bakit nga ba may pista? Hindi ba't nagdudulot lamang ito ng malaking gastos? Hindi
ba't malaking pag-aabala ito? Pero sadyang hindi na majaalis sa kulturang Pilipino ang
pagpipista at pamimista. Ito'y isang kaugaliang minanapa natin sa ating mga ninuno.
Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkakaloob
Niya sa mga tao, ito ay araw ng pagdakila, pagpuri at pagpaparangal sa Panginoon
Kadalasan, ang pistang-bayan ay itinatapat sa kaarawan ng patron ng bayan, gaya ng pista
ng Meycauayan na ipinagdiriwang sa kaarawan ng patron nito na si San Francisco de Asis,
pista ng Santa Clara sa kaarawan ng Mahal na Birhen de Salambao, pista ng Obando sa
kaarawan ni San Pascual de Baylon, pista ng Malolos sa kaarawan ng Birhen Immaculada
Concepcion, at iba pa.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang pista?
2. Bakit may pista?
3. Karawan ang pagdiriwang ng pista batay sa tekstong binasa.
4.Sang-ayon ka ba na ipagpatuloy ang tradisyon ng pagdaraos ng pista? Ipaliwanag.
5. Bakit sinasabing ang pista ay isang pamanang kalinangan ng ating mga ninuno?
6. Batay sa binasang teksto, anong isyu ang nakapaloob dito?
7. Sa isyung nakapaloob sa teksto, ano sa tingin mo ang paniniwala ng may-akda nito
tungkol sa isyung ito?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.