Gawain 2
Panuto: Basahin ang isang maikling talata sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na
tanong batay sa binasang talata.
Natatanging pagkilala: Para Kay Hidilyn Diaz
Si Hidilyn ay isang Pilipinang Olimpikong manlalaro ng pagbuhat ng mga
pabigat mula sa Lungsod ng Zamboanga.Nakakuha si Diaz ng isang medalyang tanso
sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2007 sa Thailand at nakatapos naman sa ika-10
puwesto sa kaganapan ng 53kg sa Palarong Asyano 2006 sa Doha.
Noong taong 2017, siya ay naparangalan bilang Atleta ng taon ng Philippine
Sportswriters Association. Isa siya sa natatanging babae na sumubok sa olimpiks na
siyang pinagmamalaki ng bawat Pilipino. Napakaraming paligsahan sa pagbubuhat
ang nilahukan ni Diaz at naging matagumpay siya sa kanyang bawat laro.
Mga tanong:
1. Tunay na maipagmamalaki ba ng bawat Pilipino si Hidilyn? Oo o hindi at bakit?
Sagot:_____________________________________________________________
__________________________________________________________________

_________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, naging matagumpay si Hidilyn Diaz sa kanyang karera bilang
isang atleta? Oo o hindi? Ano-ano kaya ang kaniyang ginawa upang makamit ang
tagumpay na ito?
Sagot:_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Ano ang kabutihang maidudulot kung ang tao ay gumagawa ng kaniyang gawain
nang naayon sa pamantayan?
Sagot:_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Kung ikaw ay tulad ni Hidilyn, ipagmamalaki mo ba ang iyong mga nagawa?
Bakit?
Sagot:_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. Bakit kailangan nating pagsumikapan at maghangad ng “excellence” sa ating mga
gawain o trabaho?
Sagot:_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Answers & Comments
Answer:
1. Oo, dahil ipinakita niya at ipinamalas niya ang kakayahan at kahusayan sa sport ang mga Pilipino. kahit isa siyang babae hindi nagpatinag sa kagustuhang masungkit ang ninanais na karangalan upang maialay sa kanyang bansa ang tropeo.
2. Oo, naging matagumpay siya bilang manlalaro nagsikap siya at hinusayan upang makamit ang karangalan.
3. maipapamalas at maibabahagi ang biyayang binigay ng diyos na talento sa buong mundo at maging inspirasyon.
4.Oo, kasi nagiging dulot nito ay may magandang kinabukasan para sa hinaharap. at nakakatulong sa ibang tao.
5. upang mas maging matiyaga at maipakita sa ibang tao na karapat-dapat ka sa isang bagay na pinagsisikapan mo.
Explanation:
sana nakatulong poidea ko lang po yan