Questions


October 2022 1 1 Report
Gawain 2
Ipabasa ang Pangako: May Kakambal na Pananagutan at
magpalitan ng tanong at sagot tungkol sa kuwento
Itanong: "Paano ipinakikita at pinahahalagahan ang
pagkakaroon ng isang salita?"
Pangako: May Kakambal na Pananagutan
Nenita Impreso-de Vega
Ang lahat ay nakararanas na mabigyan ng pangako, at
nagbibigay din tayo ng pangako.
Ang tanong, iniisip ba natin ang anumang pangakong
ibinibigay natin? Paano kung may mga pagkakataong hindi natin
iyon natutupad dahil simple lang ang ipinangako, kaya puwede
itong hindi tuparin. Ang bawat pangako na binibitawan ay may
bigkis na pananagutang dapat buparin
Narito ang ilan sa mga paalala upang matulungan tayo sa
ating pagsisikap na maging mapanagutan sa bawat pangalang
ating binibitawan,
1. Laging isipin na "Ang pangako ay pangako." Walang simple o
kumplikado o mahirap o medaling gawing mga pangako, dahil
ang lagging nakabigkis sa atingmga salita ay ang pananagutan
sa pagtupad nito.
2.Mag-isip munang mabuti bago magbigay ng pangako. Yun lang
kaya mong gawin ang ipangako. Sabi nga, "Huwag mong
Ipangako ang buwan, kung hindi mo ito kayang ibigay."
3.Laging pag-isipan na bawat pangakong ibinibigay sa iba ay
kontrata din sa iyong sarili. Higit sa lahat, ayaw natin mapahiya
sa iba,
4. Maghanda rin sa mga "hindi maiiwasang pangyayari na
maaaring maging hadlang sa iyong ibinibigay na pangako,
halimbawa Ikaw o ibang kasapi ng pamilya ay nagkasakit,
mayroong biglaang problema sa tahanan o paaralan, at iba pang
mga pangyayaring di-mailwasan. Kapag nangyari ito, buong
katapatang humingi ng paumanhin.
5. Tandaan na ang pagtupad sa pangako ay larawan ng iyong
katapatan sa kapuwa.
Higit sa lahat, ang pagiging mapanagutan sa pagtupad ng
pangako ay tanda ng mabuting pagkatao o karakter. Ang​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.