Gawain 2: Tama o Mali
Panuto: Suriin ang bawat pagpapasya batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
Isulat letrang T kung ang pasya ay tama at letrang M naman kung mali. Isulat ang sagot
sa isang sagutang papel.
1. May limang kapatid na pawang nasa Elementarya si Celine. Bilang panganay
minabuti niyang huminto muna sa pag-aaral kahit nangako ang kanilang mga
magulang na gagawin ang lahat upang sila ay matustusan hanggang sa
makapagtapos.
2. Likas na matalino si Horacio, kung kaya naman siya ang napiling kalahok ng
kanilang pangkat sa isang kompetisyon sa kanilang paaralan. Dahil may tiwala sa
sarili, hindi na siya naghanda at nagsanay pa.
3. Si Kali ay nangangarap na maging doktor balang araw. Dahil sa layuning
makatulong sa mahihirap na kababayan ay nagsikap siyang makapagtapos at
makapasa sa pagsusulit sa medisina.
4. Nalagay sa alanganing sitwasyon si Morgan dahil sa hindi pagkakasundo ng
dalawang matalik na kaibigan. Subalit pinili niyang pumagitna lamang sa mga ito
at gawin ang makakaya upang ibalik ang dati nilang samahan.
5. Sa tuwing nakikita ni Asha ang mga batang masayang naglalaro sa kalye ay
nakakaramdam siya ng inggit. Dahil dito patakas siyang lumabas ng bahay kahit
mahigpit ang bilin ng kanyang ina na bawal at delikado pa ang lumabas dahil sa
pandemya.
Answers & Comments
Answer:
•TAMA OR MALI
1Mali
2.Mali
3.Tama
4.Tama
5.Mali
sana nakatulong <3
Answer:
1.M
2.M
3.T
4.T
5.M
Explanation:
.pa brainliest and follow po thank you have a great day