Gawain 2: #SITWASYON KO! DAMHIN MO!
Panuto:
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Kung ikaw ang nasa ganitong
sitwasyon ano ang gagawin mo? Isulat ang sagot sa kahong nasa ibaba ng bawat bilang.
1. Lagi kang nasasabihan ng iyong magulang dahil sa pabalang na paraan ng iyong
pagsasalita. Madalas tuloy kayong mag-away ng iyong kapatid na nagiging
dahilan upang kayo ay magkasakitan? Ano ang iyong gagawin upang maiwasan
itong mangyari?
________________________________________________________________________________________________
2. Natuto kang humanga sa iyong dating kamag-aral at nakapagsisinungaling ka
na rin sa iyong magulang. Kaya naman, hindi mo napapansin na nag-aalala na
ang iyong magulang lalo na kapag umuuwi ka nang huli sa inyong tahanan.
________________________________________________________________________________________________
3. Maaga kang pinatutulog ng iyong nanay subalit hindi mo pa tapos ang iyong
nilalaro sa iyong cellphone. Ano ang gagawin mo?
________________________________________________________________________________________________
4. Binilhan ng iyong ama ang iyong kapatid ng bagong cellphone.tumakbo ka at nagmukmok sa kuwarto at hindi sumabay sa hapunan ng mag-anak. Tinawag ka ng iyong ama at nais kang kausapin. Ano ang gagawin mo?
________________________________________________________________________________________________
5. Natambakan ka na ng modyul na dapat sagutan pero tuloy ka pa rin sa pakikipag kwentuhan sa labas ng bahay. Tinawag ka ng iyong ina at napagsabiham sa harap ng iyong mga kaibigan. Pinauuwi ka ng iyong ina, ano ang gagawin mo?
________________________________________________________________________________________________
Answers & Comments
Answer:
1. Sisikapin kong intindihin ang mga nangyayari sa pagitan namin at sisimulan ko sa maliit na proseso ang pagkakaroon ng mabuting loob sa aking kapatid.
2. Ititigil ko ang nakasanayang gawain dahil alam ko sa sarili ko na mali ang aking ginagawa, hihingi ako ng tawad sa aking mmga magulang at babawi sa mabubuti at maliliit na paraan.
3. Tatapusin ko ang huling larong iyon sa maliit na oras at kapag natapos na ito ay hindi na ako maglalaro pa at susundan ang sinabi ng aking ina na matulog na.
4. Kakausapin ko siya at ipapahiwatig ang dahilan ng pahkalungkot ko, sa ganoong paraan, magiging malinaw sa amin ang naging problema dahil sa hindi pantay na intensyon ng magulang sa aming magkapatid.
5. Susundin ko ang sinabi ng aking magulang na magsagot na ng aking mga modyul dahil maaari naman akong lumabas kapag tapos na ang lahat ng gawain sa bahay at paaralan.