Questions


October 2022 1 8 Report
Gawain 2 Si Kalabaw at sl Kabayo Mataas ang sikat ng araw. Ibig magpahinga ni Kalabaw. Masyado siyang napagod sa pagtatrabaho sa bukid. Gutom na gutom siya. Uhaw na uhaw. Ngunit nakalimutan siyang pakainin at painumin ng kaniyang tagapag-alaga. "Mukhang may sakit ka, Kaibigang kalabaw," ang bati ni Kabayo. "Wala, Kaibigang kabayo," ang sagot ni kalabaw. "Lubha lang akong napagod. Madaling-araw pa kasi'y nag-aararo na ako ng bukid at ngayon pa lamang ako natapos. Pagkatapos, iniwan na ako rito ng aking tagapag-alaga. Ni hindi man lang niya ako pinakain o pinainom kaya." "Ano? Nagawa sa iyo 'yon ng iyong amo?" ang nagtatakang tanong ni Kabayo. "Oo, kaibigang kabayo. Kaya nga lungkot na lungkot ako," ang malungkot na tugon ni Kalabaw. "Pareho pala tayo ng kapalaran," ang nasambit ni Kabayo. "Huwag mong sabihing hindi ka rin pinakain at pinainom man lang ng tagapag-alaga mo," ang mabilis na sabi ni Kalabaw. "Ganoon na nga, kaibigang kalabaw. Pareho tayo ng kapalaran," ang sagot ni Kabayo. "Paano nangyari 'yon?" ang tanong ni Kalabaw. "Kahapon ay isinama akong muli ng amo ko sa bayan. Ipinagamit ako sa mga taong sumakay sa kalesa. Alam mo bang pagkasaki-sakit ng katawan ko kahapon? Dahil ito sa dami at bigat na inilagay niya sa kalesa. Halos sumayad na sa lupa ang aking mahabang dila sa matinding hirap na dinanas ko. Lubog na ang araw ng umuwi kami ng aking amo. Ngunit tulad mo, hindi rin ako pinakain o pinainom man lang. Narinig ko pa nga ang sabi ng amo ko wala raw akong silbi kaya sa umaga na lang niya ako pakakainin," ang hinaing ni Kabayo. "Kaya heto, ngayon pa lang ako kumakain." "Alam mo, Kaibigang Kabayo? Narinig ko mula sa aking tagapagalaga na ipapalit na raw sa akin ang bagong traktora ng amo ko, paano na ako? Baka lalo niya akong gutumin. O baka naman kaya hindi na niya ako pakainin," ang buntunghininga ni Kalabaw. "Ako rin, kaibigang Kalabaw. Narinig kong sinabi ng amo ko na bibili siya ng pampasaherong dyip. Baka iyan na ang kaniyang gagamitin papunta sa bayan," ang himutok ni Kabayo. Maya-maya ay natanaw ni Kalabaw ang dalawang lalaking papalapit sa kanilang kinatatayuan. "Dumarating ang amo natin," ang sabi ni Kalabaw kay Kabayo. "At wala ring dalang pagkain para sa akin ang amo ko." "Ano kaya ang kanilang sadya? Napakaaga pa para kami pumunta sa bayan," ang nasabi ni Kabayo. "Totoo iyon, Pareng Floro," ang bungad ng amo ni Kalabaw. "Darating ang bago kong traktora. Kaya magiging magaan ang pagtatrabaho ko sa bukid." "Paano na ang kalabaw mo?" ang tanong amana kabayo matanda na ito kaya nagpapahingahin ko na.ito ang gagawin kong bantay ng aking kobu sa gitna ng bukid ang sagot ng ama ni kalabaw ko naman ay nakabili na ng pampasaherong dyip.ian ang gagamitin ko ng pangako ng malalaking kahon balde at dram nasabi na ang monopolyo at ano naman ang binabalak mong gawin sa kabayo mo? ang tanong ng amo ni kalabaw gagamitin na lang ito ng mga anak ko sa pamamasyal ang mabilis na tugon ng amo ni kabayo nagkatinginan sina kalabaw at kabayo at sila sila ay lihim na pangiti mga katanongan: 1 bakit magkapareho ng kapalaran sina kalabaw at kabayo 2paano naawa gagamitin ng kanyang ama si kalabaw kapag siya ay nakabili ng traktora 3.ano naman ang balak para kay kabayo kapag nakabili ng jeep ang kanyang ano 4.isalaysay sariling salita ang kwentuhan nila kalabaw at kabayo 5.ibahagi ang iyong kaisipan sa nais ipabatid ng pabula​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.