Gawain 2 Panuto: Suriin ang mga pangyayaring nakatala sa ibaba mula sa binasang akda. Isulat sa mga linya kung ito ay makatotohanan o ‘di makatotohanan batay sa iyong sarilng karanasan o karanasan ng mga taong napapanood mo sa telebisyon o nababasa sa mga balita at akda at saka magbigay ng patunay kaugnay ng iyong napiling sagot. 1. Ang datu ay tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang nasasakupan. _________________________________________________________________ 2. Pinayuhan ang datu ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag- asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya. _________________________________________________________________ 3. Pinakasalan ng datu ang dalawang babae si Hasmin na mas bata sa datu at si Farida na kasinggulang ng datu. _________________________________________________________________ 4. Naisip ni Hasmin na bunutan ng puting buhok ang asawa upang magmukhang magkasinggulang sila ng asawa. _________________________________________________________________ 5. Binunot ni Farida ang itim na buhok ng asawa upang hindi siya magmukhang matanda. _________________________________________________________________


here is the story po

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang
nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang lugar. Nalimutan na
ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na
kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging
tagapagmana niya.
Walang nagawa ang datu kundi sundin ang payo ng matatanda, subalit
naging pihikan siya sa pagpili ng mapapangasawa sapagkat maraming
magagandang dilag sa kanilang pamayanan. Sa tulong ng matatandang bumubuo
ng konseho, natuto nang umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang
kanyang napili kundi dalawang dalagang maganda at mababait pa. At dahil
parehong napupusuan ng datu ang dalawa pareho niya itong pinakasalan.
Ang isang dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata
at napakalambing.

Mahal ni Hasmin ang datu kahit pa malayo ang agwat ng kanilang edad at ganun
din naman ang datu. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu nag-isip si Hasmin
ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.
‘’ ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang
kasinggulang ko lamang siya’’
Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu,
binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling
nakatutulog ang datu at napakahimbing pa.
Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda at mabait
ito, ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga
puting buhok ng datu. Kahit maganda siya ayaw niyang magmukhang matanda.
Tuwing tanghali sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ito, palihim
niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, masayang-masaya
sa buhay ang ang datu. Ngunit gayon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang
minsang manalamin. Hindi niya nakilala ang sarili.
‘’kalbo! Kalbo, na ako!’’ sigaw ng datu.
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal nina Hasmin at Farida.

PLS HELP ME ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.