Noon sa kahariang Masinloc, may isang matandang datu na hindi masaya kahit sariwa ang hangin at luntian ang mga dahon ng mga batang halaman sa paligid. Ang kagandahan ng umagang iyon ay walang epekto sa ugali ng datu. Malungkot ang matandang datu dahil nais niyang mangaso ulit tulad ng dati sa isang malayong bundok. Ngunit, hindi niya ito kaya dahil mahina na ang kanyang katawan.
Samantala isang araw, may dumating na salamangkero sa kaharian. Nais ng salamangkero na magpakasal kay Prinsesa Alindaya kaya nagbigay siya ng solusyon sa problema ng datu. Magpapatubo ang salamangkero ng isang bundok para sa pangangaso ng datu. Kumuha siya ng maliit na bato at itinanim niya ito sa lupa katulad ng pagtatanim ng isang halaman. Biglang tumubo ang isang bundok sa loob ng ilang minuto sa lugar kung saan itinanim ang maliit na bato.
Saka nalungkot ang prinsesa sa ginawang pasya ng kanyang ama dahil parang ipinagpalit lang siya sa isang bundok. Nagkasakit ang prinsesa dahil sa walang tigil na pag-iiyak. Hindi na natuloy ang kasalan. Umuwi nang galit ang salamangkero dahil sa kaniyang kabiguan. Dahil nagulo ang kaniyang loob, hindi niya napansin na lumalaki ang bundok. Ito’y naging problema ng datu at inutusan niyang pugutan ang salamangkero.
Pagkatapos wala itong ginawa sa lumulubhang suliranin at nakaabot ang balita sa kaharian ng Pangasinan. Narinig ni Prinsipe Malakas ang nangyaring suliranin sa kahariang Masinloc at agad siyang pumunta roon. Nang dumating ang prinsipe, binunot lang niya ang bundok nang walang kahirap-hirap at ihinagis niya ito sa lugar na kinaroroonan nito ngayon.
Sa huli nagkaroon ng isang malaking pagdiriwang para kay Prinsipe Malakas at nagpakasal siya kay Prinsesa Alindaya. Ang guwang na nilikha ng pagkabunot sa bundok ay unti-unting napuno ng tubig hanggang ito’y naging isang lawa. Tinawag nila ito “Lawa ni Alindaya” dahil ang kagandahan ng prinsesa at ang pag-ibig niya ang dahilan ng pagkakaroon ng Bundok Pinatubo.
Answers & Comments
Answer: