GAWAIN 2. Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong. Si Cherry ay palaging maagang dumarating sa paaralan. Gusto niya kasing makapagbasa pa ng kaniyang mga aralin bago dumating ang guro. Palagi siyang sumasagot kapag may tanong ang kanyang mga guro. Pagdating ng bahay, ginagawa niya muna ang kanyang mga takdang-aralin bago maglaro o manood ng telebisyon. Ito ang dahilan kung bakit matataas ang kanyang nakukuhang marka. -Titser Abi 1. Ano ang paksa ng kuwento? 2. Saang bahagi ng kuwento makikita ang paksa nito? 3. Ilahad ang detalye ng kuwento.
Answers & Comments
Answer:
Mga Uri ng Maikling Kwento
Mayroong 10 uri ng maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
Kwento ng Kababalaghan
Ito ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
Kwento ng Katatakutan
Ito ay aglalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
Kwento ng Katatawanan
Ito ay mga salaysayin na nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.
Kwento ng Katutubong Kulay
Binibigyang diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa naturang lugar.
Kwento ng Madulang Pangyayari
Ito ang mga salaysayin kung saan binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Kwento ng Pag-ibig
Tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tauhan sa kwento.
Kwento ng Pakikipagsapalaran
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.
Kwento ng Sikolohiko
Ang salaysaying ito ay bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
Kwento ng Tauhan
Dito inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
Kwentong Bayan
Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
Mga Elemento ng Maikling Kwento
Mayroong 11 elemento ng maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan sa kwento.
Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, at tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Kasukdulan
Dito nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan
Ang tulay sa wakas ng kwento.
Wakas
Ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
Tagpuan
Inilalahad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o insidente pati na rin ang panahon kung kailan naganap ang kwento.
Paksang Diwa
Ito ang pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
Kaisipan
Ito naman ang mensahe ng kwento.
Banghay
Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
SEE ALSO: 550+ Mga Halimbawa ng Salawikain (Filipino Proverbs)
Mga Bahagi ng Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi at sangkap: simula, gitna at wakas.
Simula
Ipinapakilala ang mga tauhan, tagpuan, at ang suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan.
Gitna
Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan ng kwento. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Ngunit may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan ng kwento.