Questions


August 2022 1 1 Report
Gawain 2: Pag-unawa sa Binasa Panuto: Basahin at unawain ang artikulo tungkol sa pangangalaga ng kalikasan. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba. PD 705 o "Revised Forestry Code" Ang Presidential Decree 705 ay patungkol sa pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas. Nilalaman ng batas na ito ang epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa sa bansa at kabilang dito ang pagtakda sa uri ng mga pampublikong lupain upang malaman kung anong uri ng pangangalaga ang dapat ilaan para dito. 11 Ang isa pang mahalagang probisyon ng batas ay ang pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na maaaring putulin, pati na rin ang pamamaraan ng pagkamit ng lisensya ng mga kompanyang puputol ng puno. Ang tinukoy bilang tagapamahala sa pangangasiwang ito ay ang Bureau of Forest Development. Ang batas na ito ay inaprubahan noong Mayo 1975. Batas Ukol sa Selective Logging Isa sa mga batas sa ilalim ng PD 705 ay ang batas ukol sa selective logging o ang pagpili lamang sa kung anong puno ang maaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan. Ayon sa batas na ito, ang mga punong maaaring putulin ay yaong mga punong mayroong diyametrong 60 cm (sa bahagi ng puno na kasingtaas ng dibdib ng tao). Sa paraang ito, hindi tuluyang makakalbo ang lupain, na siyang tutulong sa pananatili ng magandang kondisyon lupa at para makaiwas sa pagguho ng lupain. Ang PD 705 ay inaprubahan noong Mayo 1975. Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang artikulo: 1. Tungkol saan ang binasa? 2. Ano ang gustong ipahiwatig ng PD 705 o Revised Forestry Code? 3. Sa inyong palagay, bakit nagtakda ang pamahalaan ng mga batas ukol sa pangangalaga sa kapaligiran? 4. Bilang isang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa batas na ito? Bakit? 5. Ano kaya ang mangyayari sa ating kapaligiran kung hindi natin pinahahalagahan ang ating kalikasan?

Pa Help nga po please ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.