Gawain 2
Mula sa mga jumbled letters, alamin kung anong trabaho o angkop na serbisyo ang
inilalarawan sa bawat bilang sa pamamagitan ng pagsasaayos nito. Isulat ang tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.
_______________1. ( A S A S G A M A K ) – sila ang nagtatanim, nag-aani, at nangangalaga ng
mga produktong agrikultura na arawaraw kinokonsumo ng maraming tao. Sa madaling sabi,
mahalagang serbisyo ang ibinibigay nila sapagkat malaking porsiyento ang kanilang tinutugunan
sa pangunahing pangangailangan ng mga tao sa pagkain.
_______________ 2. ( E I N O R M ) – sila ang kumukuha ng mga ginto, pilak, tanso, at marami
pang klase ng yamang mineral. Ang mga ito ay ginagamit sa paggawa ng mga alahas. Sila rin ang
nagmimina ng semento, buhangin, apog, at marmol na ginagamit sa pagbuo ng isang gusali.
_______________ 3. ( O T O T O R S G A M ) – sila ang pumuputol sa mga punong malalaki at
matatanda na. Ang mga nakolektang kahoy ay magsisilbing materyales sa paggawa ng bahay o
establisyimento.
_______________ 4. ( I N R O E T P R A K ) – sila ang katuwang ng mga arkitekto inhinyero sa
pagtatayo ng mga imprastraktura sapagkat ang serbisyong kanilang ibinibigay ay ang
pagsasagawa ng mga gusali at kalsada. Isinasagawa nila ito sa pamamagitan ng pagmamartilyo,
paghahalo ng semento, pagsukat ng mga kahoy, at iba pa.
_______________ 5. ( T P N R O I ) – tungkulin anila ang pagbibigay buhay sa iba’t ibang bagay
sa pamamagitan ng pagpipinta. Mula sa kanilang obra ay inaaliw nila ang mga tao at naghahatid
ng sari-saring emosyon sa kanilang mga likhang-sining.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.