Gawain 2 #LIKE #UNLIKE Panuto: Suriin ang bawat pagpapasya batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Isulat lamang ang numero ng bawat pahayag sa "T" kolum kung ang pasya ay tama at sa "M" sa kolum naman kung mali. Isulat ang sagot sagutang papel.

1. ____May limang kapatid na pawang nasa Elementarya si Celine. Bilang panganay minabuti niyang huminto muna sa pag-aaral kahit nangako ang kanilang mga magulang na gagawin ang lahat upang sila ay matustusan hanggang sa makapagtapos.

2. ____Likas na matalino si Horacio, kung kaya naman siya ang napiling kalahok ng kanilang pangkat sa isang kompetisyon sa kanilang paaralan. Dahil may tiwala sa sarili, hindi na siya naghanda at nagsanay pa.

3. ____Si Kali ay nangangarap na maging doktor balang araw. Dahil sa layuning makatulong sa mahihirap na kababayan ay nagsikap siyang makapagtapos at makapasa sa pagsusulit sa medisina.

4. ____Nalagay sa alanganing sitwasyon si Morgan dahil sa hindi pagkakasundo ng dalawang matalik na kaibigan. Subalit pinili niyang pumagitna lamang sa mga ito at gawin ang makakaya upang ibalik ang dati nilang samahan.

5. ____Sa tuwing nakikita ni Asha ang mga batang masayang naglalaro sa kalye ay nakakaramdam siya ng inggit. Dahil dito patakas siyang lumabas ng bahay kahit mahigpit ang bilin ng kanyang ina na bawal at delikado pa ang lumabas dahil sa pandemya.

Correct answer=5 stars,brainliest
nosense answer=ban account,block from brainly para di ma sign in yung account
kaylangan ko to kaya kahit di ako na brainliest noon ngayon gagawin ko.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.