GAWAIN 2: ISA PA, UNAWAIN PA NATIN
Basahin at unawain ang maikling teksto sa ibaba.
Sagutin ang mga tanong at gumamit ng mga pahayag na
nagbibigay patunay sa iyong pangungusap.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Bilang isang estudyante, tiyak na nakararanas ka na ng mga
suliraning natural na nararanasan ng mga nasa iyong edad. Ang mga
suliranin ay bahagi ng buhay. Kung walang suliranin ay wala ring
pagkatuto, sapagkat ang bawat suliranin na dumarating sa buhay ay
nagbibigay ng kaalaman o pagkatuto. Mahalagang matutunan ng
isang tulad mo ang magplano at mag-isip ng solusyon sa bawat
dumarating na suliranin. Ito ay upang maiwasan na lumala at magdulot
pa ng ibang problema. Tandaan na habang pinatatagal ang isang
problema ay lalo itong lumalala.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
MGA KATANUNGAN:
a. Batay sa iyong binasa, ano ang magpapatunay na bahagi ng buhay ang suliranin o problema
___________________________________________________________
b. Anong ebidensiya mula sa binasa ang magpapatunay na mahalaga
ang suliranin sa buhay ng isang tao?
__________________________________________________________
c. Ano ang magpapatunay sa mga maaring paraan upang maiwasang
lumala at tumagal pa ang isang problema?
___________________________________________________________
C. PAGWAWAKAS NG ARALIN:
------------------------------------------------------------------------------------------
Ang isang pahayag ay maayos na naisusulat kapag buo
ang diwa nito at naiintindihan ng nagbabasa o tagapakinig.
Para mas maging mabigat ang importansya nito, nakatutulong
ang pagdaragdag ng mga pahayag na may kaangkop na
ebidensya sa iyong sinasabi. Mas kapani-paniwala ang isang
pahayag kapag may isang matibay na ebidensyang
sumusuporta rito.
-------------------------------------------------------------------------------------------
THIS IS IMPORTANT!
Answers & Comments
Answer:
A.Bahagi ng buhay ang suliranin at problema dahil kung wala ang mga ito walang pagkatuto
Answer:
a. dahil kung walang problema para tayong hindi nabubuhay nyan . kase lahat ng problema ay may solusyon.
b.nagbibigay ng kaalaman o pagkatuto.
c.