GAWAIN 2 A. Panuto: Salungguhitan ang simuno at kahunan ang panaguri sa bawat pangungusap.
1. Dapat nating pangalagaan ang kapayapaan sa ating pamayanan.
2. Ito ay nagsisimula sa ating mga sarili.
3. Ang alitan sa pamayanan ay huwag palalain.
4. Ito ay nagsisilbing lason at hadlang para sa ating kaunlaran.
5. Maraming biktima ang kaguluhan sa pamayanan.
6. Mahirap pa namang ibalik ang buhay na nasaktan o nawala na bunga ng digmaan.
7. Hindi na kailanman dapat mangyari ang naganap na mga digmaan noon.
8. Ang lahat ay magkasundo na sa halip na mag-away.
9. Ang pagsisisi ay laging nasa huli.
10. Simulan na natin ang pagbabago bago pa mahuli ang lahat.
Answers & Comments
Answer:
Salungguhitan ang simuno
kahunan ang panaguri sa bawat pangungusap.
1. Dapat nating pangalagaan ang kapayapaan sa ating pamayanan.
Simuno:. ang kapayapaan sa ating pamayanan.
Panaguri: Dapat nating pangalagaan.
2. Ito ay nagsisimula sa ating mga sarili.
Simuno:. Ito
Panaguri:. ay nagsisimula sa ating mga sarili.
3. Ang alitan sa pamayanan ay huwag palalain.
Simuno:. Ang alitan sa pamayanan
Panaguri: ay huwag palalain.
4. Ito ay nagsisilbing lason at hadlang para sa ating kaunlaran.
Simuno: Ito
Panaguri:. ay nagsisilbing lason at hadlang para sa ating kaunlaran.
5. Maraming biktima ang kaguluhan sa pamayanan.
Simuno:. ang kaguluhan sa pamayanan
Panaguri:. Maraming biktima
6. Mahirap pa namang ibalik ang buhay na nasaktan o nawala na bunga ng digmaan.
Simuno:. ang buhay na nasaktan o nawala na bunga ng digmaan.
Panaguri:. Mahirap pa namang ibalik
7. Hindi na kailanman dapat mangyari ang naganap na mga digmaan noon.
Simuno: ang naganap na mga digmaan noon.
Panaguri:. Hindi na kailanman dapat mangyari
8. Ang lahat ay magkasundo na sa halip na mag-away.
Simuno:. Ang lahat
Panaguri:. ay magkasundo na sa halip na mag-away.
9. Ang pagsisisi ay laging nasa huli.
Simuno:. Ang pagsisisi
Panaguri:. ay laging nasa huli.
10. Simulan na natin ang pagbabago bago pa mahuli ang lahat.
Simuno:. ang pagbabago bago pa mahuli ang lahat.
Panaguri:. Simulan na natin
Explanation:
Hope it helps ☺️
Correct me if I'm wrong.