Gawain 1
Tukuyin ang paksa o pokus ng pandiwa sa pangungusap. Salungguhitan ito.
Halimbawa:Ipinagmalaki ng ama ang pagtatapos ng anak sa pag-aaral.
1. Ikinagulat ni Lola ang pagtalon ng pusa.
2. Ang programa ni Mayor ay ikinatuwa ng mga residente.
3. Ang perang nalikom ay ipinambili ng gamot.
4. Ipinambalot sa tinapa ang mga lumang diyaryo.
5. Pinuntahan ng mga turista ang bulaklakan sa Barangay Alapang.
6. Ikinatakot ng mga mamamayan ang parating na malakas na bagyo.
7. Isinakay sa helicopter ang mga relief goods para dalhin sa liblib na lugar.
8. Ang pagbagsak ng ekonomiya ay ikinalugi ng maraming kompanya
9. Pinuntahan nila ang ilog para maligo.
10. Ang maganda niyang boses ay napasayaw ang matatanda.
Answers & Comments
Answer:
1. Ikinigulat
2.ikinatuwa
3.nalikom at ipinambili
4.ipinambalot
5.pinuntahan
6.ikinatakot
7.isinakay
8.pagbagsak
9.pinuntahan
10.napasayaw
Ganyan po ba? Sana makatulong