GAWAIN 1:
PANUTO: Pumili lamang ng isa sa mga paksa o sitwasyong nakalista sa loob ng kahon.
Ipahayag ang pagsang-ayon o pagtutol mo sa paksang napili Isulat ito sa inyong sagutang
papel. Tingnan ang rubriks para basehan ng puntos ng iyong kasagutan.
1. Tinatanggihan ng mga mamamayan ang pandaraya sa negosyo.
2. Pangungurakot sa pribado at pampublikong institusyon
3. Hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado.
Mga tanong
1. Bakit ito ang napili mong paksa?
2. Ano ang dahilan kung bakit mo sinasang-ayunan o tinututulan ang napili mong paksa?
3. Makamit ba ang katarungang panlipunan sa ganitong paraan? Ipaliwanag ang iyong
sagot
Answers & Comments
hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado
1.Napili ko ito dahil tutol ako sa ganitong gawain ng gobyerno.
2.Tinutulan ko ito dahil hindi nila alam kung gaano kahirap ang magtrabaho para lang may maipakain sa pamilya,para maibigay ang hiling ng mag anak.Dapat tinatapatan din nila ang hirap ng mga empleyado nila.
3.Hindi natin makakamit ang katarungang panlipunan dahil hindi nila maibigay ang karapat dapat na katapat ng pagod ng mga tao.