Questions


October 2022 1 1 Report
Gawain 1
Panuto: Basahin ang isang kuwento ng katapatan na ipinamalas ng isang mag-aaral ng Mataas
na Paaralan ng Pinagbuhatan at sagutin ang mga tanong na nakabatay sa kuwento.
Pamagat: "Ang Batang Honesto"
Siya si Ma Lourdes Fatima C. Visagas, labinlimang taong gulang at
kasalukuyang nasa ika-10 baitang. Payak ang kanilang pamumuhay, ang
kaniyang ama ay driver ng isang kompanya samantalang ang kaniyang Ina
ay isang house wife. Simple lamang ang kanilang nakagisnang buhay ngunit
hindi ito naging hadlang upang tumulong at maging
malapat siya sa iba.
Recess na at naisipang bumili ni Fatima, ngunit habang naglalakad ay nakakita siya ng
walet sa sahig. Binuksan niya ang wallet para alamin kung kanino ito pero laking gulat niya nang
maklta na malaking halaga ang nasa loob nito at walang palatandaan kung sino ang nagmamay-
ari. Hindi pa man nakakabili ng makakain ay hindi siya nagdalawang isip na pumunta sa
kaniyang guro upang isauli ang nakitang wallet. Ikinuwento niya sa guro ang nangyari at agad
silang pumunta sa principal's office para iturn-over ito,
Ayon kay Fatima, sinabi sa kaniya ng kaniyang mga magulang na kahit gaano pa sila
kahirap ay huwag silang gagawa ng masama at kung kaya nilang tumulong ay tutulong sila sa
kanilang kapwa.

Mga Tanong

1. Anong uri ng pamumuhay mayroon ang pamilya ni Fatima? Isalaysay.

2.
Ano ang iyong natutunan sa kuwento ng isang mag-aaral na katulad mo rin?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.