Questions


September 2022 1 1 Report
Gawain 1
ISULAT ANG LETRA NG TAMANG SAGOT SA PATLANG BAGO ANG BILANG
sa
1. Ang pakahulugan sa moral dilemma ayon kay Kohlberg "Ito ay mga sitwasyong
nagpapahayag ng dalawang magkasalungat na posisyon na kinapapalooban ng
dalawang magkaiba o nagtutunggaling pagpapahalaga. Ibig sabihin nito na:
A. Mahirap ang magpasya dahil ito ay nagiging sanhi ng pagtatalo ng isip tungkol
mga iba't ibang mga posisyon.
B. Ang pagpapasiya ay nababatay sa ating mga pagpapahalaga.
C. Ang pagpapasya ay pagpili sa maraming pamimilian.
D. Madali lang magpasya kung alam natin ang sarili nating mga pagpapahalaga.
2. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:
A. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.
B. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.
C. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob.
D. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.
3. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya?
A. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip
B. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin
C. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng
gagawing tira
D. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga
na
4. Karaniwan na ang mga linyang "Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip, "sa
mga mahalagang pagpapasiyang ginagawa. Ibig sabihin nito;
A. Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon
B. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya.
C. Mahirap talaga ang gumawa ng pasya
D. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon
5. Kahit na binigyan ng magandang pwesto sa kumpanya si Chit ng kanyang ama sa
kanilang kumpanya, pinili pa rin nito ang magtayo ng sariling negosyo. Ito ang tunay
nagpapasaya sa kanya.
A. Nakakahiya namang mabansagang COO o Child of Owner sa isang kumpanya
bagama't ikaw ay mahusay na CEO.
B. Kinakailangan ding isaalang-alang ang damdamin sa paggawa ng pasya.
C. Mas mahalaga na masaya ang tao sapagkat maikli lamang ang buhay.
D. Mahalaga kay Chit ang kanyang pansariling kaligayahan.
6. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari
kang magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong...
A. Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong
pagsusuri.
B. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili.
C. Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo.
D. Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.