Gawain 1:Dear Taga Payo.
Panuto: May mga Love Notes o mga problema na nakasalaysay sa ibaba. Kunwari ay isa kang host ng
isang programa sa telebisyon kung saan nagbibigay ka ng payo sa iyong mga tagasubaybay. Basahing
mabuti at isulat ang iyong payo sa iyong kuwaderno.
1.
Dear Taga Payo,
Dalawang taon na kaming magkasintahan ni Raff, at sanay kami na palageng magkasama sa
lahat ng bagay. Isang araw habang pauwi kami ay sinabi sakin ni Raff na gusto na niyang iparamdam
sa akin ang kaniyang mas malalim na pagmamahal sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ano ang
gagawin ko?
2. Dear Taga Payo
Mayroon akong nagugustuhan na babae sa aming paaralan. Pareho po kaming nasa ika-walong
baiting, ngunit magkaiba kami ng seksyon. Paano ko kaya siya liligawan? Ano-ano po kaya ang
katangian na hinahanap niya sa isang lalaki?
3. Dear Taga Payo,
Sanay kami ng aking kasintahan na palaging magkahawak ang aming mga kamay, magkayakap,
magkaakbay kahit saang lugar. Matagal kaming nagkakasama, ngunit hindi pa namin napapag-usapan
ang tungkol sa aming plano sa buhay. Dahil sa palagi aming magkasama ay nag-aalala ako na baka
hindi nan namin makontrol ang aming mga sarili at madala na ng bugso ng aming damdamin. Ano po
kaya ang aking gagawin?
4. Dear Taga Payo
Niyaya ako ng aking mga kaibigan na manood ng malaswang panoorin sa kanilang bahay. Ayoko
naman na masabihan na hindi marunong makisama o magalit sila sa akin nang dahil sa hindi ko
pagsama sa kanila.Ngunit ayokong suwayin ang aking mga magulang na palaging gumagabay at
nangangaral sa akin. Ayoko na magalit ang mga kaibigan ko sa akin at ayoko din naman na suwayin
ang mga magulang ko, ano po kaya ang dapat kong gawin?
Answers & Comments
Answer:
1. Para sa akin, hindi ko muna maaaring ibigay ang aking sarili sa kanya kasi magkasintahan palamang kami. Naka saad sa batas na dapat munang ikasal bago makipag talik sa iyong kasintahan.
2. Kausapin mo siya at sabihin mo sa kanyang pwede ka bang man ligaw sa kanya. Sabihin mo na kaya mong mag hintay sa kanya. Una sa lahat tanongin mo muna siya kong ano-anong katangian ang gusto niya sa isang lalaki.
3. Wag kalang magpa dala sa bugso ng iyong damdamin. Dumistansya ka paminsan-minsan sa kaniya.
4. Huwag kang sumama sa iyong mga kaibigan sa panonood ng malalaswang video. Mas sundin mo ang iyong mga magulang. Kasi, pwede ka pang maghanap ng iba pang kaibigan. Kung baga, dumistansya ka sa ganyang mga klaseng kaibigan dahil hindi sila magandang impluwensiya sayo.
– HOPE IT HELPS
HAVE A GREAT DAY AHEAD.