GAWAIN 1
Basahin at surün ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat sa espasyo sa ibaba ang
iyong sagot sa mga tanong na nakapaloob sa bawat sitwasyon.
1. Overseas Filipino Worker (OFW) ang ina ni Michelle. Tuwing katapusan ng buwan ay
tumatawag sa pamilya sa pamamagitan ng telepono at nagpapadala ng pera sa mga ito. Nang
lumaon, nagpapadala pa rin ang ing ng pera, subalit hindi na ito tumatawag sa kanila. Sa
iyong palagay, ano ang dapat gawin ni Michelle? Ipaliwanag ang sagot.
2. Nasanay si Marla na tuwing magigising sa umaga ay nakahanda na ang kanyang pagkain.
Maliligo at kakain na lamang siya bago pumasok sa paaralan. Parehong abala sa trabaho ang
mga magulang at nasa malayong lugar naman ang kapatid na nag-aaral sa kolehiyo. Naging
malungkot si Maria sa araw-araw na gawain. Nais sana niyang kausapin ang kaniyang mga
magulang at hingin ang kanilang payo tungkol sa pagsali niya sa isang paligsahan subalit
lagi silang abala. Ano ang dapat gawin ni Marla? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Tuwing hapon, nakasanayan ng anim na taon at bunsong kapatid ni Princess na hintayin
ang kanilang mga magulang sa tabi ng bintana. Nais ipaliwanag ni Princess sa bunsong
kapatid na dalawang taon pa bago uuwi ang kanilang mga magulang dahil nasa ibang bansa
ang mga ito. Kung ikaw si Princess, paano mo ito ipaliliwanag sa iyong bunsong kapatid?
Answers & Comments
Answer:
1.dapat na so Michelle na Ang tumawag sa kanyang Ina para kamustahin Ang kalagayan nito sa ibang bansa.2.pakiusapan Ni Maria Ang mga magulang na bigyan sya ng konting atensyon dahil may problema o suliranin na gustong malutas o mabigyan ng solusyon.3.kung ako so princess ay sasabihin ko ng dahan dahan at ipaiintindi ko sa bunsong kapatid ko na matagal silang Hindi makakauwi at ipaliliwanag Rin Kung bakit Hindi makakauwi Ang aming mga magulang..hope nakatulong ako