Gawain 1.2. Basahin ang mga bawat bilang. Tukuyin ang nais sabihi ng may akda sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na letra. 1. Kahit kailan, kahit saan marami pa rin ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Tapon dito, tapon doon. Kahit ang mga nasa loob nang tumatakbong sasakyan, itinatapon sa labas ng bintana ang kanilang basura. Nagpapakilala nang kawalan ng disiplina at kamangmangan sa epektong dulot ng basura sa kapaligiran. A. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura ay may masamang dulot sa kapaligiran B. Marami pa rin ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. C. Nakakahiya ang maging isang Pilipino. D. Kawalan ng kaalaman sa magiging dulot ng kamangmangan. 2. Napakaraming kapakinabangang nakukuha sa ating kagubatan. Pinagmumulan ito ng matabang lupa at pumipigil sa pagbaha. Nagsisilbing tahanan ito at napagkukunan ng pagkain ng mga ibon at hayop. A. Maraming kapakinabangan sa ating mga kagubatan. B. Nararapat gumawa nang hakbang ang pamahalaan sa pangangalaga ng kagubatan. C. Magtulungan sa pangangalaga sa kagubatan. Sundin ang mga batas. D. Maganda ang ating kagubatan. 3. Kung noon ay nangunguna ang mga estudyanyeng Pinoy sa katalinuhan laban sa mga katabing bansa sa Asia, ngayon ay hindi na. Sa mga paligsahan ay nangangamote o mas tamang sabihin na nangangalabasa na sila. May problema kung gayon sa sistema ng edukasyon kaya napag-iiwanan ang mga estudyanteng Pinoy. At nararapat lamang na ang problemang ito ay gawing prayoridad ng manunungkulang presidente ng Pilipinas sa May 2022 elections. Kung hindi mapapabuti o mabibigyan ng sapat na atensiyon ang Education Sector, tiyak lalo pang mangangalabasa ang mga estudyante. A. Nararapat bigyan pansin ng antas nang kalidad ng edukasyon sa bansa. B. Napag-iiwanan na ang mga estudyanteng Pinoy. C. Noon ay nagunguna sa katalinuhan ang mga estudyanteng Pinoy. D. Nangangalabasa nang talaga ang mga estudyanteng Pinoy. 4. Sa isang iglap ay puwedeng gumuho ang reputasyon ng isang tao at maaari rin na sumikat ito sa buong mundo. Hatid 'yan ng makabagong "information and communications technology "na dala ng " internet o social media ". Ibang klase na ang panahon ngayon. Mabilis ang komunikasyon. Nagkakaroon na ng ugnayan ang mga tao kahit saang sulok ng mundo. A. May mabuti at masamang dulot ang paggamit ng "social media ". B. Mabilis ang komunikasyon. C. Nakakapag-ugnayan na ang mga tao sa iba't ibang panig ng mundo. D. Malaya tayo sa paggamit ng "social media ". 5. Tama ang babala ng PHILVOCS. Sundin ito para makaligtas. Hindi dapat ipagwalang bahala ang babala. Mas alam ng PHILVOCS ang nangyayari sa bulkan kaya nararapat nang umalis. Mapanganib ang lagay at maaaring malagay sa peligro kapag hindi lumikas. Sundin ang mga awtoridad para makaligtas. A. Sundin ang mga awtoridad upang maging ligtas. B. Tama ang babala ng PHILVOCS C. Hindi dapat ipagwalang bahala ang babala. D. Maging handa sa lahat ng oras​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.