Questions


October 2021 2 12 Report
Gawain 1.1: Tukuyin kung nasa anong antas ng impormal na wika ang mga nakasalungguhit na mga salita sa pangungusap.
_____1. Swabeng-swabe ang japorms ng kachokaran niya sa tambayan.
A. Balbal B. Kolokyal C. Banyaga D. Pambansa
______2. Ginamit niya ang kanyang smartphone at laptop sa kanyang online class.
A. Balbal B. Kolokyal C. Banyaga D. Pambansa
______3. Ang sabi ni Nena sa kapatid, “Lika na,te. Punta na tayo sa palengke”.
A. Balbal B. Kolokyal C. Banyaga D. Pambansa
______4. Ayon sa DOH, dapat pa rin tayong sumunod sa social distancing kahit ikaw ay nakatanggap na ng vaccine.
A. Balbal B. Kolokyal C. Banyaga D. Pambansa
______5. “Pare,meron na akong bagong trabaho ngayon,” ang wika ni Nestor sa kaibigan.
A. Balbal B. Kolokyal C. Banyaga D. Pambansa
Gawain 1.2: Alamin kung anong istratehiya sa pangangalap ng datos nabibilang ang mga sumusunod na pahayag.
_____6. Ito ay isininasagawa sa pamamagitan ng pagpapasagot ng mga questionnaire sa isang grupo ng mga
respondents.
A. Obserbasyon B. Brainstorming C. Pagsasarbey D. Imersiyon
_____7. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga taong may malawak na karanasan, kaalaman o
awtoridad sa paksang hinahanapan ng mga impormasyon.
A. Pagsasarbey B. Pag-eeksperimento C. Pagsulat ng Journal D. Interbyu
_____8. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pakikisalamuha mismo sa isang grupo ng tao para lubusang maunawaan
ang kanilang pinagdadaanan.
A. Pananaliksik B. Pagtatanong C. Pagsasarbey D. Imersiyon
_____9. Ito ay ang pagtatala ng mga mahahalagang impormasyon, detalye o pangyayari upang walang makalimutan.
A. Pananaliksik B. Brainstorming C. Pagsulat ng Journal D. Obserbasyon
_____10. Magagamit itong mabisang pangangalap ng mga opinyon, saloobin at katwiran ng ibang tao hinggil sa isang
paksa.
A. Interbyu B. Brainstorming C. Pagsasarbey D. ImersiyonGawain 1.3: Ibigay ang hinihinging impormasyon may patungkol sa mga araling tinalakay.
_____11. Ang tawag sa paggamit ng iba't ibang paraan upang makapagdala ng impormasyon sa ibang tao.
A. Brainstorming B. Broadcasting C. Digital D. Multimedia

_____12. Ito ang pagsasahimpapawid ng electromagnetic signals sa pamamagitan ng airwaves katulad ng programang pantelebisyon
at panradyo.
A. Brainstorming B. Broadcasting C. Digital D. Multimedia
_____13. Ito ay kabilang sa tinatawag na broadcast media na kung saan ay napakikinggan ang mga napapanahong balita, naghahatid
ng talakayan o pulso ng bayan at maging ng mga naggagandahang awitin.
A. Radyo B. Telebisyon C. Pelikula D. Kompyuter
_____14. Kilala rin ito sa tawag na sine o pinilakang tabing.
A. Radyo B. Telebisyon C. Pelikula D. Kompyuter
_____15. Ito ang seksyong naglalaman ng mga impormasyon na kalimitan ay makikita sa magasin, dyaryo, internet o anumang uri ng
babasahin.
A. Komentaryo B. Artikulo C. Radyo D. Telebisyon
_____16. May kinalaman ito sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat, maaaring ito ay seryoso, masaya, malungkot o
satiriko.
A. Artikulo B. Paksa C. Layunin D. Tono
_____17. Tumutukoy ito sa kung ano ang nais mangyari ng manunulat sa kanyang mambabasa, gamit ang kanyang akda ay maaari
siyang magpabatid ng impormasyon, manghikayat, mangaral, mangbatikos at iba pa.
A. Artikulo B. Paksa C. Layunin D. Tono
_____18. Dito umiikot ang lahat ng kaisipang inihain at tinalakay sa isang akda.
A. Artikulo B. Paksa C. Layunin D. Tono
_____19. Ayon sa DOH, puno na ang mga hospital ng mga pasyenteng tinamaan ng Covid 19. Sa pangungusap, anong ekspresyon
ang ginamit sa pagpapahayag ng pananaw?
A. ayon sa B. sa DOH C. puno na D. tinamaan ng Covid 19
_____20. Sa ganang akin, dapat may malinaw na planong ipatupad ang gobyerno para tuluyang masugpo ang pagdami ng bilang ng
nagpopositibo sa virus. Sa pangungusap muli, anong ekspresyon ang ginamit sa pagpapahayag ng pananaw?
A. ayon sa B. sa ganang akin C.dapat D. para

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.