Questions


December 2023 0 0 Report
Gawain 10: Panghuling Pagtataya. Panuto: Basahin at suring mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik na naglalaman ng wastong sagot sa iyong sagotang papel
1. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang Kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
B. Dahal sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa
C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito D. Dahil naging maayos ang mga labi ing mga taong nahukay sa lugar na ito

2. Bahagi ng paniniwalang Tsino ang tinatawag na Son of Heaven o "Anak ng Langit" ang kanilang emperador. Ano ang iyong pagkaunawa sa kahulugan ng konseptong ito?
A. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganahan at kapayapaan.
B. Namumuno siya dahil pinili siya ng mga mamamayan na anak ng diyos
C. Ang emeperador ang pinakamabuti sa lahat at tinalaga siya ng Diyos
D. Namumuno ang emperador batay sa mga kautusan na itinakda.
3. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon sa daigdig.
B. Nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
C. Nagkaroon ito ng matatag na sistemeng political
D. Sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
4. Ang Ziggurat ay sentro ng pamumuhay sa bawat pamayanan sa Kabihasnang Sumer. Kapag sinabing Ziggurat ito ay tumutukoy sa isang likhang arkitektura noon bilang
A. Dakilang pader laban sa mga barbarong mananalakay
B. Kanal para sa irigasyon ng matabang lupain
C. Malaking piramide sa disyerto
D. Templo na maraming palapag
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI tumutukoy sa katangian ng Harappa bilang punong-lungsod sa Kabihasnang Indus? A. May maayos na arkitektura ng mga bahay na yari sa bato
B. May mga kalyeng mayroong paagusan ng tubig
C. May sariling kusina at karaniwang binubuo ng tatlong palapag
D. May sistema ng pagsulat na cunieform na nababasa sa mga pampublikong lugar

Panuto: Isulat kung Sumer, Indus o Tsina ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagotang papel.

6. May sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform gamit ang matulis na metal o stylus sa lapidang luwad na binilad sa araw

7. May naitayong mga sitadel o tanggulan at ang mga tao ay may kaalaman sa pagsulat batay sa nahukay na mga selyo o seal. 8. Itinuturing na pinakaunang kabihasnang naitatag sa Timog-kanlurang Asya

noong Panahon ng Tanso 9. Kabihasnan sa lambak ng Ilog Huang Ho batay sa mga nahukay na labi at kagamitan malapit sa ilog

10. Unang natutong gumamit ng gulong at nagamit para sa mga pangangailangang militar tulad ng chariot.​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.