GAWAIN 1: Suriin ang tula sa ibaba at ibigay ang mga elemento nito. I-type ang iyong sagot sa loob ng ONLINE TEXTBOX. Walang mag-aupload ng kanyang sagot. Matutong sumunod sa panuto.



Sa Huling Silahis

ni: Avon Adarna



Inaabangan ko doon sa Kanluran,

Ang huling silahis ng katag-arawan,

Iginuguhit ko ang iyong pangalan,

Sa pinong buhangin ng dalampasigan.



Aking dinarama sa hanging habagat,

Mga alaala ng halik mo’t yakap,

Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,

Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.



Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,

Ang iyong larawan at mga pagsuyo,

Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso,

Sa kutim na ulap nakikisiphayo!



Sa pag-aagawan ng araw at buwan,

At pagkapanalo nitong kadiliman

Ay nakikibaka ang kapighatian,

Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.



Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,

Kahit na ako’y lubos na tumangis

Pag-ibig na lamang na igting na nais

Ang makakapiling sa huling silahis.


MGA ELEMENTO:

a. Sukat:
b. Bilang ng Taludtod:
c. Bilang ng Saknong:
d. Magbigay limang (5) Kariktan
e. Magbigay magbigay ng tatlong (3) Talinhaga

Kapag inansweran ito, bibigay kita ng brainliest! :)

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.