GAWAIN 1: Suriin ang tula sa ibaba at ibigay ang mga elemento nito. I-type ang iyong sagot sa loob ng ONLINE TEXTBOX. Walang mag-aupload ng kanyang sagot. Matutong sumunod sa panuto.
Sa Huling Silahis
ni: Avon Adarna
Inaabangan ko doon sa Kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.
Aking dinarama sa hanging habagat,
Mga alaala ng halik mo’t yakap,
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.
Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,
Ang iyong larawan at mga pagsuyo,
Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso,
Sa kutim na ulap nakikisiphayo!
Sa pag-aagawan ng araw at buwan,
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian,
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.
Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,
Kahit na ako’y lubos na tumangis
Pag-ibig na lamang na igting na nais
Ang makakapiling sa huling silahis.
MGA ELEMENTO:
a. Sukat:
b. Bilang ng Taludtod:
c. Bilang ng Saknong:
d. Magbigay limang (5) Kariktan
e. Magbigay magbigay ng tatlong (3) Talinhaga
Kapag inansweran ito, bibigay kita ng brainliest! :)
Answers & Comments
Explanation:
Pag-iisip at Pag-uugnay Panuto: Mag-isip ka ng isang karanasan sa iyong buhay na gumawa ka ng pagpapasiya na dumaan sa mga yugto ng makataong klos. (12 puntos, 1 puntos bawat aytero) 1. Pagkaunawa sa layunin ma mahilig Hal: Nais kong layuan ang mga dati kong kabarkada lumiban sa klase Hak Alam ko na ayon sa aking kaloobanay tama ito. 2. Nais ng layunin. 3. Paghuhusga sa nais makamtan 4.Intensiyon ng layunin 5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan 7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8. Pagpili 9. Utos 10. Paggamit 11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin 12. Bunga