Gawain 1 sa bahaging ito, ay iaaplay mo na ang iyong mga natutuhan sa pagsasagawa ng pananaliksik.
Manood o magbasa ng isang napapanahong pangyayari o isyu na kinahaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ilahad ang mahahalagang impormasyon, ideya, at pinag-hanguan ng impormasyon.
Hal. Epekto ng Bagong Normal na sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Answers & Comments
Answer:
Sabi nga nila, ang edukasyon ay ang tanging yaman na hindi mananakaw ninuman kaya’t kailangang pahalagahan. Paulit-ulit man nating naririnig ang salawikaing ito, hindi pa rin maikaka-ila ang katotohanang taglay nito. Ngunit sa panahon ng pandemyang ito, paano kung hindi na lamang edukasyon ang nagbabadyang mawala sa’tin kundi maging ang sarili nating kaligtasan laban sa virus, anong mas pipiliin mo?
Dahil sa pandemya, isa na nga ang sektor ng edukasyon sa tuluyang naapektuhan. “Online Classes,” ang nakikitang paraan ng gobyerno bilang alternatibo upang matuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante na hindi na kinakailangang pumasok sa mga paaralan.
Bilang bahagi ng tinawatawag na ‘new normal’ sa sistema ng edukasyon sa bansa, ang online education ang nakikitang daan para maipagpatuloy ang taong panunuran sa darating na pasukan. Humahaba ang usapin patungkol dito at nahahati ang mga pananaw kung ano nga ba ang dapat gawin.
hope it helps! ☺