Gawain 1. Panuto: Isulat ang salitang WAGI kung ang pangungusap ay
naglalahad ng wastong kaisipan kung paano maging matatag at BIGO
kung hindi.
1. Gamitin ang talino at abilidad upang harapin ang mga hamon sa buhay.
2. Magdasal at hintayin lamang ang awa ng Diyos para malutas ang
mga suliranin mo.
3. Isipin mo na nariyan ang pamilya mo na tutulong sa iyo sa pagharap
ng mga hamon sa buhay.
4. Gamitin at matuto sa dating mga karanasan upang patatagin ang sarili.
5. Magtiwala sa iyong talento at kakayahan.
6. Huwag paapekto sa mga negatibong puna sa iyo.
7. Maaari kang umiyak kung nakakaranas ng pagkabigo o dalamhati ngunit
patuloy na lumalaban sa buhay.
8. Laging nagsusumikap upang makamit ang mga pangarap.
9. Magsanay kang maigi kung sasali sa mga paligsahan.
10. Isantabi ang pag-aaral dahil tiwala lang sa sarili ang kailangan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.