Questions


September 2022 1 1 Report
Gawain 1 Panuto: Basahin ang dayalogo nina Marla at Rolan Marla: Rolan, binabati kita. Pinuri ni Gng Pascua ang iyong ginawang plano ng pagtulong sa mga Nakatira sa Batonglabang City of Ilagan Rolan: Salamat Marla. Maganda rin naman ang plano mo. Siguro may nakalimutan ka lang isulat kaya may mga punang hindi maganda. Marla: Naisip ko rin iyon, marami pa ang kulang sa aking plano kaya kailangan ko pang baguhin at ayusin. Kapag nagawa ko na nang higit na maganda, ipakikita ko ulit sa inyo. Paano ka nga ba tutulong Kina Paola? Rolan Susulatan ko ang mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Dev't (DSWD). Di ba may napag-aralan tungkol sa programa nilang "Pantawid Pamilyang Pilipino Program ( 4P's )? May mga kaklase nga tayo na kasali roon. Marla: Ang galing mo naman Rolan. Naisip mo silang ilapit sa DSWD para maisali sa 4P's ito yung Programa ng pamahalaan na tumutulong sa mga mahihirap. Rolan: Alam mo, hindi lang naman sila ang nangangailangan ng tulong Napakarami pa nating kababayan na talagang nakakaawa ang kalagayan, tulad ng mga nabiktima ng kalamidad sa Batonglabang City of Ilagan at madalas ding may nababaha Marla: Ngunit marami naman ang nagpapadala ng tulong mula sa ibang bansa, di ba? Napanood ko nga sa Telebisyon, marami ang nanggagaling sa malalaking kompanya at mayayamang tao Rolan: Marami nga ngunit higit na kailangan ng ating kababayan ang dadamay sa kanila nang may pagmamahal. Hindi lang basta nagpapadala ng mga pagkain. Kailangang nararamdaman natin ang kanilang paghihirap at dapat bukal sa loob ang ating pagbibigay Marla: Bilib na talaga ako sa iyo. Kaya lang sabi ni Inay, mayroon daw umaabuso. Iyon bang umaasa na lang sa ibibigay ng kapuwa, hindi na naghahanapbuhay. Dapat pala alam natin kung sino talaga ang dapat tulungan Rolan: Oo nga, Hindi bale, tatalakayin pa naman natin ang tungkol sa pagtulong sa mga darating na araw. Sagutin: Isulat ang sagot sa sagutang papel 1. Bakit pinuri ni Gng. Pascua si Rolan? (2 pts) 2. Ano ano ang mga planong gawin ni Rolan upang makatulong sa mga kababayang nangangailangan ng tulong? Magbigay ng dalawa.( 4 puntos )​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.