Questions


November 2022 1 0 Report
Gawain 1: Pagsusuri at Pagbasa Basahin ang teksto sa ibaba at sagutin ang kasunod na mga tanong o gawin ang hinihingi pagkatapos ng teksto PANDEMYANG COVID-19 Maximino Z. Lubo jr

Sa pagpasok ng taong dalawang libot dalawampu ay biglang nabago ang sistema ng ating pamumuhay, hindi lamang sa ating bansa maging sa buong mundo. Ano nga ba ang pandemyang ito na labis na nakaaapekto sa sistema ng pamumuhay ng mga tao sa buong mundo? Saan ito nagmula at kailan ito matatapos? Ang COVID-19 o Corona Virus Disease 2019 ay isang sakit na sinasabing nagmula sa isang lugar sa China. Ang sakit na ito ay malaking grupo ng virus na nagdudulot ng komplikasyon sa ating Respiratory System. Ayon sa mga eksperto, ang sakit na ito ay nakukuha sa hayop Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag-imbestiga kung saan talaga ang eksaktong pinagmulan ng COVID-19. Ang nasabing lugar sa China ay ang Wuhan Fish Market na kung saan ay matatagpuan ang ibat ibang uri ng exotic foods o kakaibang pagkain kung tawagin. Patok ito sa panlasa ng mga Tsino lalo na ang mga hilaw na kame at mga insekto. Kaya naman sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng salot na Corona Virus na maaaring nakuha sa pagkain ng paniki. Maraming buhay ang binago at kinil ng sakit na Covid-19. Nabigla ang karamihan sa pagpasok ng sakit na ito lalo na ang gobyemo. Karamihan ng mga tao sa iba't ibang sulok ng mundo ay nawalan ng trabaho, naiba rin ang sistema ng pag-aaral ng mga estudyante. Nagsisimula na rin ang pagbatikos ng mga mamamayan sa gobyerno. Humigpit rin ang seguridad sa mga bansa nagtatag ang gobyerno ng quarantine kung saan limitado lang ang pwedeng lumabas sa isang miyembro ng pamilya. Marahil mahirap na ngang tuldukan pa ang pandemyang ito, ngunit kung may pagkakaisa at disiplina pa rin ang mga mamamayan ng isang bansa ay posibleng mabawasan ang pagtaas ng kaso ng Covid-19. Dapat lamang sumunod sa tamang pag-aalaga ng kalusugan at sundin ang alituntunin ng gobyerno para sa kapakanan ng lahat.

lbuod Ang tesksto batay sa mga gabay na mga tanong

1.anong paksa Ang tinatalakay sa teksto?
2.lsa -isahin Ang mga hakbang ng gobyerno para mapigilan Ang paglaganap ng sakit na covid 19

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.