Questions


September 2022 1 2 Report
Gawain 1: Lakbay Singapore Panuto: Salungguhitan ang mga petsa sa teksto. Isulat sa sagutang papel ang petsang nabanggit sa teksto. Singapore Matatagpuan ang Republika ng Singapore sa kipot ng Malacca, isang maliit ngunit maunlad na bansa sa timog-silangang Asya. Ito ay nakakawing sa Malaysia sa pamamagitan ng lansangang likha ng tao sa ibabaw ng tubig. Batay sa mga ulat ng Malay, noong 1160 A.D. matapos ang isang bagyo, si Utama (isang pinunong Malay) ay napagawi sa isang bayan na kung tawagin ay Temasek. Dito ay nakakita siya ng isang hayop na korteng-leon kaya't naisipan niyang binyagan ang lugar bilang Singa-pura o "Lunsod ng Leon". Noong 1819, itinatag ni Sir Thomas Stamford Raffles ang makabagong Singapore. Dahil sa magandang lokasyon ng bansa, hinimok niya ang Britain na bilhin at sakupin ang teritoryo. Naging bahagi ang Singapore ng Straits Settlements na noong 1867 ay napaloob bilang kolonya ng Britain. Sa panahong ito, umunlad ang Singapore bilang isang pangunahing sentro ng kalakalan at internasyonal na malayang daungan sa pagbubukas ng Suez Canal. Subalit hindi rin nakaligtas sa pananakop ng mga Hapon ang Singapore. Ang isla ay nasakop mula 1942 hanggang sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 4 Ika - 3 ng Hunyo, 1959 nang magsarili ang Singapore. Apat na taon ang ipas nang sumali ang bansa sa Pederasyon ng Malaysia. Subalit nang magkaroon mga alitan ng pederasyong Malay at minoryang Tsino, ang Singapore ay niwalag at naging malayang bansa noong ika-9 ng Agosto, 1965. Kilala ngayon ang Singapore hindi lamang sa pagiging isang industriyalisadong sa kundi sa pagkakaroon din nito ng pinakamalinis na lunsod sa buong mundo.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.