Questions


September 2022 1 3 Report
Gawain 1 iba pang Basahin at unawaing mabuti ang balita tungkol sa isang kabataang Pilipinong nagtagumpay sa pinili niyang isport sa kabila ng isang hadlang. Michael Christian Martinez, Nag-iisang Pinoy na Kalahok sa 2014 Winter Olympics Halaw sa: Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa para sa Elementarya Si Michael Martinez, labingwalong taong gulang at tubong Parañaque City ay ang kaisa-isang kalahok mula sa Timos Silangang Asya sa 2014 Winter Olympics na ginanap sa Soschi, Russia noong Pebrero 7-23, 2014. Si Michael ay nagtanghal kasama ang skater mula sa 21 bansa sa mundo. Nagtapos siya sa panlabinsiyam na puwesto, isang malaking karangalan para sa isang kalahok na nagmula sa isang bansang tropical o bansang walang niyebe. Nagsimula sa isport na figure skating si Michael noong siya'y siyam na taong gulang. Ito lang kasi ang isport na sa tingin niya'y kakayanin ng isang batang may asthma na tulad niya. Noong una'y sinusumpong pa rin siya ng kanyang asthma dahil sa lamig ng rink subalit pagkalipas ng isang taon ay napansin niyang bumubuti na ang lagay ng kanyang kalusugan at bihira na siyang sumpungin ng asthma. Dahil dito'y sinuportahan na siya nang todo ng kanyang nanay dahil para sa kanya'y mas mabuti na raw na gastusin ang pera sa figure skating kaysa sa ospital. Kumuha ng tala mula sa tekstong binasa para masagot ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang inyong kasagutan sa loob ng Story Train na nasa ibaba. 1. Sino ang tinutukoy ng balita? 2. Ano ang sinasabi ng balita tungkol sa kanya? 3. Kailan ito nangyari? 4. Saan ito nangyari? 5. Bakit maituturing na isang malaking tagumpay ang nangyari kay Michael? 6. Paano niya napagtagumpayan ang kalagayang pangkalusugan na noong una'y tila hadlang sa kanyang pangarap?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.