Gawain 1: Hanapin sa hanay B ang letra ng pansariling kaisipan, pananaw, opinion at saloobin na tutugon sa kalagayan sa hanay A. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

HANAY A (Kalagayan)
1. Nasa ibabaw nito ang gaserang nasaid na ang mitsa at tuyo na ang gaas sa loob.

2. Magugulo ang buhok, marurungis ang suot na sandong butas-butas at salawal.

3. Saka na lang isusuot ang facemask kapag may nasipat na tanod na nakabantay sa kubol ng checkpoint.

4. Magkasama na nilang kinuha ang urna ng abo mula sa krematoryong nasa poblacion ng lungsod.

5. Inihit ng matinding ubo, hindi na rin siya nakakain dahil sa wala siyang panlasa at ipinagtaka niya na ngayon ay hindi niya naaamoy ang mabahong alingasaw mula sa suot niyang facemask

HANAY B (Pansariling kaisipan, pananaw, opinyon at saloobin)

A. Sang-ayon sa paglalarawan, dahil sa kakapusan hindi na kinaya pang maglaan ng halaga upang bumili ng maayos na damit.

B. Anopa't ang pananaw ko sa bagay na iyan ay kamatayan ang kinahantungan ng ama ng tahanan.

C. Sa bagay na iyan ay masasabi kong ang mag-anak ay namumuhay ng walang suplay ng elektrisidad.

D. Sa aking paniniwala naging positibo na rin ang tauhan sa mapaminsalang Covid-19 virus.

E. Alinsunod sa ipinatutupad na batas ng pamahalaan kailangang isuot ang facemask. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.