Gawain 1. Basa Ko Tukoy Ko!

Panuto: Basahin ang maikling talata tungkol sa isang dokyumentryong pang telebisyon ng GMA 7, at Reporter's Notebook nina Mackie Pulido at Jiggy Manicad.

Ang Batang Magtatanso at Batang Magbabayuko Sina Joanna Marie.ll taong gulang at Andrew, 6 na taong gulang ay itinampok sa Reporter's Notebook na ini-ere noong Marso 2013. Sila ay mga batang sa halip na nag-aaral ay naghahanapbuhay sa pamamagitan ng paghahanap ng piraso ng kable sa basuroahan bunga ng kahirapan.

Ang mga ito ay kanilang sinusunog upang makuha ang tanso. Bagamat pumuputok ang kableng kanilang sinunog ay hindi kinakitaan ng takot ang batang si Joanna dahil ayon sa kanya ay gagawin niya ang lahat upang maibigay ang pangangailangan ng kanyang inang biyuda

Ang ganitong gawain ay tinatawag na extreme risk o isa sa pinakaanganib na child labor sa buong mundo ayon sa Maplecroft. Samantala, noong buwan ng Agosto ng nasabi ring taon ay isa pang dokumentaryong kahawig ng mga batang magtatanso ang ipinalabas sa Reporter's Notebook, ito ay ang mga Batang Magbabayuko.

Sila ay mga batang naghahanap ng mga malalaking susong tinatawag na bayuko sa kabundukan sa halip na nag-aaral o pumapasok sa paaralan. Sila ay sina John Paul, Ronald, Gaspar at Enteng mga batang taga Daraitan, Tanay, Rizal. Halos maghapon silang naghahanap ng bayuko sa bundok kaya't pinagbabaon na sila ng pagkain ng kanilang mga magulang.

Ito ay kanilang ibinebenta ng tatlong piso hanggang limampiso bawat isa kung saan ay kumikita sila ng tatlumpu hanggang isandaang piso sa isang araw. Panuto: Batay sa binasang talata, ibigay kung ano ang paksa, layon at tono nito.

1. tungkol saan Ang binasang talata ibigay Ang paksa nito?

2. Ano Ang layunin Ng may akda?

3. ibigay Ang to ng binasang talata?

NONSESE REPORT​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.