Questions


October 2022 1 6 Report
Gawain 1 A. Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Sagutin ang mga katanungan tungkol sa iyong binasa. Isulat sa malinis na papel ang iyong mga sagot. Ang Pagpapaalis sa mga Iskuwater (Halaw mula sa: Landas sa Pagbasa Grade 6 Batayang Aklat sa Filipino. Department of Education) Ang kahirapan ay isa sa mga dahilan kung bakit laganap ang iskuwater sa bansa. Mga barong-barong na malapit sa ilog at riles; mga bahay na yari sa karton, yero, at lumang kahoy, mga naninirahang karamiha'y walang hanapbuhay, at mga batang kung hindi sakitin ay di na nag-aaral. Ito ang larawan ng mga iskuwater sa bansa, partikular sa Metro Manila Kailangan ang tulong ng pamahalaan at pribadong sektor, lalo yaong ang negosyo'y nauukol sa pagpapabahay. Ngunit higit sa lahat, ang kailangan ay ang tulong ng mga tao sa iskuwater na mabago ang uri ng kanilang pamumuhay.
1. Ano ang dahilan kung bakit laganap ang iskuwater sa bansa?
2. Ano ang pagkakagawa ng mga bahay na makikita sa iskuwater? 3. Paano naaapektuhan ang mga batang nakatira sa iskuwater?4. Ano-anong suliranin ang posibleng dinaranas ng mga pamilyang nakatira sa ganoong lugar?
5. Sino-sino ang maaaring makatulong sa mga tao sa iskuwater upang mabago ang uri ng kanilang pamumuhay? 6. Paano kaya mababago ang uri ng pamumuhay ng mga nakatira sa iskuwater?
7. Kung dadami pa ang iskuwater sa bansa, ano ang posibleng epekto nito?
8. Ano ang paksa ng sanaysay na iyong binasa?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.