Gamitin ang iyong pagkamalikhain sa pagbibigay ng solusyon sa mga karaniwang suliranin na nararanasan mo bilang mag-aaral o miyembro ng pamilya. Umisip ng mga kakaibang solusyon para sa sumusunod.
1. Papasok ka na sa paaralan. Natalsikan ng putik ang malaking bahagi ng iyong uniporme.
2. May takdang-aralin kang iuulat sa klase. Nakalimutan mong bumili ng kailangang kartolina.
3. Nalukot ng bunso mong kapatid ang limang pahinang ulat na ibibigay mo sa iyong guro. Wala ka nang panahon upang ulitin ito.
4. Nasira ang rubber shoes mo. Wala kang magagamit para sa klase mo sa P.E.
5. Umiyak ang iyong bunsong kapatid dahil nahulog sa gilid ng dalawang bakod ang kanyang laruan.
6. Oras na ng recess, inilabas mo ang baong tanghalian ng nanay mo, nang buksan mo ang baunan ay nakalimutan niyang lagyan ng kutsara at tinidor. Malayo ang kantina sa silid-aralan niyo.
7. Dala-dala mo ang proyekto na isusumite mo sa iyong guro. Sa hindi inaasahang pangyayari nabitawan mo ito at narumihan.
8. Araw ng Sabado naglilinis ka ng bahay ninyo. Nilaro-laro mo ang walis tambo. Sa pag-ikot mo tumama ito sa poste at nabali. Kabilin-bilinan pa ng nanay mo na mag-ingat ka sa iyong gagawin.
9. Pinagsaing ka ng kapatid mo. Nilagyan mo ng bigas ang saingan, hinugasan ang bigas at nilagyan ng tubig. Nagmamadali kang isalang ang kaldero dahil parating na ang mga kamag-aral mo. Nakalimutan mong buksan ang kalan.
10. Hiniram ng kamag-aral mo ang aklat mo sa Science, may pagsususlit pa naman kayo kinabukasan.
Answers & Comments
Answer:
1. Maaari akong sumakay ng sasakayan pauwi sa aming tahanan, upang magpalit ng damit
2. Sa halip na ilagay ko ito sa kartolina at isukat ang importanteng detalye. Aaralin ko na lamang mga kinakailangan at importanteng daapt sabihin at iuulat ito sa mailkahaing paraan.
3. Bago ito ipasa ay ilalagay ko sa isang envelope na madaming laman upang kahit papaano ay mabawasan ang pagkalukot.
4. Ipapaliwanag ko sa aking guro na nasira ang aking sapatos at wala akong maisusuot para sa P.E.
5. Siya ay akin munang patatahanin at mahinahong ipapaliwanag na akin itong kukuhanin
6. Maaari akong humiram o bumili sa canteen upang may magamit ako.
7. Ako ay hihingi ng sorry sa aking guro at ipapaliwanag ang nangyari, at itatanong kung pwedeng bigyan siya ng palugit upang maulit ito.
8. Hihingi ako ng sorry sa aking nanay. at mangangakong magiging maingat na sa susunod, sapagkat natuto na ako.
9.
10. Sasabihin ko sa aking kamag-aral na pumasok ng maaga at isauli sa akin ng maaga ang aklat, ngunit pansamantala ay akin munang aaralin ang mga natandaan ko sa tinuro ng aking guro.
Explanation:
This is based on my opinion lang po:)). I don't know what should I answer in number 9. Thank you and God Bless po. Sana po nakatulong ako!!